Paglala ng pangkalikasang kalagayan ng Albay, pinangangambahan ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,165 total reads

Mariing nanindigan ang Diyosesis ng Legazpi laban sa lumalalang kalagayan ng kalikasan sa lalawigan ng Albay, kasabay ng panawagan sa mga nasa kapangyarihan na managot sa mga proyektong nagdudulot ng pinsala sa kapaligiran at pamayanan.

Sa inilabas na pastoral statement, binigyang-diin ng diyosesis, sa pangunguna ni Bishop Joel Baylon, ang matinding pangangailangang tugunan ang patuloy na pag-abuso sa kalikasan.

Kabilang sa mga usaping binanggit ang mapaminsalang quarrying sa paligid ng Bulkang Mayon—na itinuturing bilang protected area; ang pagkaubos ng kagubatan na nagbabantang sumira sa biodiversity at nagpapalayas sa mga hayop at halaman; at ang pagbabara at pagbabago sa mga daluyan ng tubig na nagdudulot ng pagbaha, lalo na sa mabababang lugar.

“The worsening state of our environment, the distress of many communities, and the moral questions surrounding the use of public resources compel us to speak — not as critics from afar, but as shepherds who walk with the people of Albay,” pahayag ng Diyosesis ng Legazpi.

Binatikos din sa pahayag ang kakulangan ng konsultasyon sa mga pamayanan, ang hindi malinaw kung sino ang tunay na nakikinabang sa mga proyekto, at ang pagwawalang-bahala at pagkalimot sa pagkakabilang at pagkilala sa Albay bilang isang UNESCO Biosphere Reserve.

Aminado rin ang mga pari at obispo na may mga pagkakataong hindi naging sapat ang kanilang tinig sa mga mahahalagang usapin hinggil sa kapaligiran.

“For the times we remained silent when we should have spoken, for the moments we chose comfort over courage, and for any failure to stand clearly on the side of what is just and right — we sincerely ask forgiveness from God and from the people we are called to serve,” ayon sa pahayag.

Kasabay ng pagdiriwang sa Hubileo ng Pag-asa, Year of Stewardship ng Diyosesis ng Legazpi, at paggunita sa ika-10 anibersaryo ng Laudato Si’ ni Papa Francisco, nanawagan ang Simbahan sa mamamayan ng Albay, at sa mga opisyal ng pamahalaan na isabuhay ang pagiging makatarungan, tapat, at may pananagutan sa tungkuling pangalagaan ang kalikasan at kapakanan ng kinasasakupan.

“Do not allow development to become an excuse for destruction. When public projects ignore environmental safeguards, override communities, or enrich only the few, they betray the common good. We ask you: Be transparent. Be accountable. Be just… Albay deserves better — and we can still choose to do better,” giit ng diyosesis.

Magugunita noong Marso nang kasalukuyang taon, tahasang tinutulan ng diyosesis ang kontrobersiyal na “Mayon Volcano Heritage Aesthetic Lighting Project,” na layong paunlarin ang turismo at ekonomiya ng Albay, ngunit binatikos dahil sa posibleng masamang sa likas na kalagayan ng bulkan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 48,845 total reads

 48,845 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 85,635 total reads

 85,635 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 118,576 total reads

 118,576 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 169,723 total reads

 169,723 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 231,350 total reads

 231,350 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 52,125 total reads

 52,125 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top