YSLEP ng Caritas Manila, pinuri ng Arsobispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,000 total reads

Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na mahalaga ang pag-asang hatid ng iba’t ibang mga inisyatibo upang matulungan ang mga mahihirap na kabataan na patuloy na makapag-aral.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Youth kaugnay sa isinasagawang Caritas Manila YSLEP Telethon 2025 ng social arm ng Archdiocese of Manila.

Ayon sa Arsobispo ang pagtulong lalo na sa mga kabataan na makapag-aral ay nakapagbibigay pag-asa para sa pagkakaroon ng mas magandang kinabukasan para sa kanilang sarili at pamilya.

Pinasalamatan naman ni Archbishop Alarcon ang mga aktibong nakikibahagi at sumusuporta sa layunin ng Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) ng Caritas Manila na hindi lamang nakapagbibigay ng pag-asa para sa kinabukasan ng mga kabataan kundi maging sa kinabukasan ng bayan at ng Simbahan.

“Nakakapagbigay pag-asa ang mga pagkilos upang matulungan ang mga kabataan sa kanilang pag-aaral, tulad ng YSLEP ng Caritas Manila. Maraming salamat sa mga mabubuting loob na nagbabahagi para sa kinabukasan ng mga kabataan at ng bayan at Simbahan. Pagpalain nawa ng Panginoon ang ating mga kabataan at lahat ng nagtataguyod sa kanila,” ang bahagi ng pahayag ni Archbishop Alarcon sa Radyo Veritas.

Tema ng Caritas Manila YSLEP Telethon 2025 ang ‘Hope In Action: Journeying Together for the Youth’ na alinsunod na rin sa patuloy na paggunita ng Simbahan sa Jubilee Year of Hope.

Una nang inihayag ni Fr. Anton CT Pascual – executive director ng Caritas Manila na ang malilikom sa YSLEP Telethon 2025 ay ilalaan ng Caritas Manila sa pagpapaaral sa mga YSLEP Scholars na aabot sa limang libong mag-aaral sa loob ng isang taon.

Bukod sa scholarship ay hinahasa din ng Caritas Manila Youth Servant Leadership and Education Program ang leadership skills at pinapalalim ang pananampalataya ng mga kabataan sa pamamagitan ng mga pagsasanay at paglilingkod ng mga kabataan sa Simbahan.

Nakaantabay naman ang Caritas Manila Scholars Alumni Association upang tulungan ang mga nakapagtapos ng pag-aaral na kagyat na makahanap ng trabaho bilang bahagi ng ‘enrollment to employment’ na paraan ng pagtulong ng Caritas Manila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 45,067 total reads

 45,067 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 94,969 total reads

 94,969 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 142,840 total reads

 142,840 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 246,789 total reads

 246,789 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 330,606 total reads

 330,606 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top