Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 136,235 total views

Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310 o 4Ps Act. Ito ay national flagship program o national poverty reduction strategy., ang programa ay nagkakaloob ng conditional cash transfer sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino. Layon nito na pagbutihin ang kalusugan at nutrisyon ng mga bata at ina sa pamamagitan ng preventive health care., itaas ang enrollment at attendance rate ng mga kabataan sa mga child development center,preschool,elemetarya at secondary schools. Misyon ng programa na ibaba ang child labor, itaas ang consumption rate ng mga mahihirap na pamilya sa pagkain, akayin ang mga magulang na mag-invest sa kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga anak, gawing kaaya-aya ang parenting roles ng mga beneficiaries, at maging positibo ang kanilang partisipasyon sa community development activities.

Matapos ang ilang taong implementasyon ng 4Ps Kapanalig, nababalot pa rin ng problema ang anti-poverty program ng pamahalaan. Natuklasan sa pag-aaral ng Philippine Institute for Developmental Studies o PIDS na mahigit sa 1.1-milyong reklamo ang inihain ng mga benepisaryo ng 4Ps mula taong 2014 at 2022.

May kinalaman ang reklamo sa delayed payments, system inefficiencies o palpak na sistema at kakulangan ng public awareness na hadlang sa epektibong delivery ng cash aid sa mga mahihirap na benepisaryo.

Kapanalig, nabunyag sa pag-aaral ng PIDS ang palpak na pagpapatakbo o pangangasiwa ng pamahalaan sa Grievance Redress System (GRS) na pangunahing tool na tugunan ang mga reklamo, request at suhestiyon ng 4Ps beneficiaries. Dahil sa hindi epektibong paggamit ng GRS, ang mga problema sa conditional cash transfer ay hindi naging dokumentado. Nagiging internal na lamang ito sa mga implementing agencies. Apektado din ng inclusion at inclusion errors ang programa, inaabot ng ilang taon na hindi nakakatanggap ng ayuda ang mga beneficiary. Dahil sa kapalpakan Kapanalig, nalalagay sa peligro ang buhay ng mga kapuspalad.

Dahil palpak ang implementasyon, kinakailangan na naman ng legislative reform upang maresolba ang delayed payments at pabago-bagong halaga ng cash aid…Nabatid na mahigit sa isang milyong household beneficiaries ang sinuspendi ang conditional cash transfer at mahigit sa 800,000 na pamilya ang nire-validate at walang tinatanggap na cash aid. Ang nakakalungkot, para sa DSWD na siyang nagpapatupad ng programa., ang mga reklamo ay itinuturing lamang na “operational feedback”. Ang nakakadismaya, hindi kasama sa listahan ang mga totoong mahirap na pamilya… ang nakakatanggap ng ayuda o cash aid ay yaong mga hindi mahihirap na household.

Kapanalig, kapag maraming reklamo sa programa., ito ay sumasalamin sa palpak na pagpapatupad ng DSWD… Ito ay malinaw na incompetence ng ahensiya… Simple lamang ang nais ng mga beneficiaries, hindi lang pagtugon sa problema kundi bigyan sila ng digdinidad, ipaliwanag ang teknikalidad, at maging kaagapay sa dinaranas ng mga benepisaryo.

Kapanalig, iginiit sa Katesismo para sa mga Katolikong Pilipino 1187 ang piling pagtatangi para sa mga dukha(CA.57).Iginigiit sa PCP II ang pagpiling ito alinsunod sa pagsunod kay Kristo ay nangangailangan ng mabilis na pagtugon sa ating bayan kung saan ang malaking bahagi ng mga mamamayan ay nakalublob sa kahabag-habag na karalitaan at pagdurusa.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 223,864 total views

 223,864 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 254,087 total views

 254,087 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 280,731 total views

 280,731 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 375,704 total views

 375,704 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 382,252 total views

 382,252 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 223,865 total views

 223,865 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 254,088 total views

 254,088 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 280,732 total views

 280,732 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 375,705 total views

 375,705 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »
Scroll to Top