EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 131,834 total reads

Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at korapsyon.

Tulad halimbawa ng Republic Act 8990 o Early Childhood Care and Development Act na isinabatas noong taong 2000…Maganda ang layunin…itaguyod at patatagin ang infant at child survival rates sa pamamagitan ng maganda at maayos na childhood care at edukasyon.

Ang resulta Kapanalig, noong 2022., natuklasan sa pag-aaral ng PIDS na 20-porsiyento lamang ng mga bata na may edad tatlo (3) hanggang apat (4) taong gulang ang naka-enroll sa pre-kindergarten…23-percent lamang ang nabibiyayaan mula sa feeding programs ng pamahalaan. Sa kabuuan, mayroon lamang na 33,000 daycare centers sa buong bansa.., malayo ito sa 96,000 na kinakailangan… ang malala, kulang na kulang ang child development workers. Ang kakulangang ito ay naging balakid para makita ang potensiyal ng isang bata.

Ang isang batas Kapanalig ay may nakalaang pondo., nasaan na kaya ang pondo? Inaatasang sumuporta sa pagpapatupad ng RA 8990 ang Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Higher Education (CHED), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Agriculture (DA), at National Nutrition Council (NNC). Anong ahensiya kaya ang may sala? Ang nagkulang?

Natukoy sa pag-aaral na ang burukrasya, pagpopondo at iba pang hadlang ang naging balakid sa tagumpay ng programa. Kabilang din ang kawalan ng national support sa early childhood services at kawalan ng incentives sa mga local government units para sa long term solutions.

Dahil total failure ang RA 8990., upang matugunan ang mga butas sa pangangalaga, nutrisyon at edukasyon ng mga bata mula ipanganak hanggang limang taong gulang., pinalitan ito at isinabatas nitong March 8, 2025 ang Early Childhood Care and Development System Act o Republic Act No. 12199.

Ang pinagkaiba sa bagong batas, inaatas ng ECCD System Act ang pagtatag ng ECCD offices sa bawat probinsiya, lungsod at munisipalidad sa buong bansa kung saan binigyang kapangyarihan ang mga LGU na maging online frontliners… Harinawa Kapanalig, hindi na mapolitika, hindi ma-corrupt., hindi mabulsa ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan ang pondo…Harinawa, ang pondo ay tunay na mapunta sa kapakanan ng mga bata.

Ipagdasal natin Kapanalig ang holistic child development sa buong kapuluan.

Iginiit sa Matthew 18:10 na “See that you do not despise one of these little ones. For I tell you that their angels in heaven always see the face of my Father in heaven.”

Pinapahalagahan din ang kabutihan ng mga bata sa Psalm 127:3-“Children are a heritage from the Lord, offspring a reward from him”.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 42,527 total reads

 42,527 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 77,202 total reads

 77,202 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 106,075 total reads

 106,075 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 142,557 total reads

 142,557 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 158,171 total reads

 158,171 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kahirapan sa bansa

 42,529 total reads

 42,529 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 77,204 total reads

 77,204 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 106,077 total reads

 106,077 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 142,559 total reads

 142,559 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »
Scroll to Top