Pangangalaga sa kalikasan, panawagan ng DENR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,286 total reads

Nanawagan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng pagkakaisa sa pagtatanim at pangangalaga ng kalikasan sa pagdiriwang ng Arbor Day ngayong taon.

Sa mensahe ni DENR Secretary Raphael P. M. Lotilla, iginiit niyang ang Arbor Day ay hindi lamang isang makabuluhang pagdiriwang kundi mahalagang pagkakataon upang ipakita ang sama-samang pangako ng mga Pilipino sa pangangalaga ng kalikasan.

“Each tree planted is not only a lasting gift. It is an investment in the health, resilience, and future of our communities,” pahayag ni Lotilla.

Batay sa Republic Act No. 10176 o Arbor Day Act of 2012, ginugunita taon-taon ang Arbor Day bilang pambansang panawagan para sa pagtatanim ng mga puno at pagpapanumbalik ng kapaligiran.

Binibigyang-diin nito ang karapatan ng bawat Pilipino sa malusog na kapaligiran at ang mahalagang tungkulin ng mga punongkahoy sa pagharap sa krisis sa klima.

Ayon pa kay Lotilla, patuloy ang mga hakbang ng DENR sa larangan ng reforestation, urban greening, at sustainable forest management sa ilalim ng Enhanced National Greening Program, katuwang ang mga lokal na pamahalaan, civil society, katutubong pamayanan, at bawat mamamayang handang magtanim, mag-alaga, at magpanatili ng kagubatan.

“Let this Arbor Day be a starting point. Together, let’s grow and inspire further protection of our forests that will outlive us—providing silent but enduring sentinels of clean air, biodiversity, and climate action for generations to come,” ayon kay Lotilla.

Sa panig naman ng simbahan, isinusulong ng Caritas Philippines sa ilalim ng Alay Kapwa para sa Kalikasan, ang Bamboo Forest Project upang palaganapin sa 86 diyosesis ang pagtatanim ng kawayan at iba pang punongkahoy bilang tugon sa epekto ng climate crisis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 24,446 total reads

 24,446 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 58,485 total reads

 58,485 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 94,968 total reads

 94,968 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 113,179 total reads

 113,179 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 196,220 total reads

 196,220 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 82,225 total reads

 82,225 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top