Radio Veritas reporter, 2 opisyal ng MOP at 2-media outlet, absuwelto sa cyberlibel case

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 43,834 total views

Naniniwala ang opisyal ng Military Ordinariate of the Philippines (MOP) sa tuwinang pananaig ng katarungan at katotohanan.

Ito ang bahagi ng mensahe ni MOP Chancellor and Spokesperson Rev. Fr. Harley Flores kasunod ng pagbasura ng Quezon City Prosecutor’s Office sa Cyberlibel complaint na inihain ni Aries Aguilan na nagpakilalang Anglican archbishop, laban sa dalawang opisyal ng Military Diocese, isang mamamahayag ng Radyo Veritas at dalawa pang media outlet dahil sa umano’y pagbansag sa kanya bilang isang “pekeng” pari.

“Salamat sa Diyos at kahit papaano ay dismissed na yung kaso truly of course justice and truth would always prevail.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Flores sa Radyo Veritas.
Pagbabahagi ng ni Fr. Flores, nag-ugat ang nasabing kaso sa ginawang liham na ipinalabas ng Military Ordinariate of the Philippines (MOP) noong October 21, 2022 upang abisuhan ang publiko partikular ang mananampalatayang Katoliko kasunod ng mga reklamo mula sa mga sibilyan at ilang militar sa maling representasyon ng isang Aries Aguilar bilang isang Paring Katoliko na nagmimisa at nagpapakilalang Chaplain ng MOP.

Pinasinungalingan rin ni Fr. Flores ang sinabi ni Aguilan na itinalaga siya bilang isang chaplain para sa Armed Forces of the Philippines Reserve Command noong 2019, kung saan lumabas sa pagsusuri ng MOP na ang kanyang tawag sa aktibong tungkulin ay pinawalang-bisa na noong 2020.

Kinuwesyon rin ni Fr. Flores, ang pabago-bagong pagpapakilala ni Aguilan bilang isang obispo ng International Conservative Anglican Communion, na kilala rin bilang Worldwide Anglican Church na taliwas sa kanyang dating pagpapakilala bilang isang pari ng nasabing grupo.

“Actually hindi naman namin ikinababahala kasi ang punto lang namin ay katotohanan, nag-umpisa lang naman ito sa complain ng mga tao from the military and the civilians kasi maraming nagsusumbong na nagmimisa-misa sa labas, ginagamit ang MOP na Chaplain daw siya tapos vinerify namin sa Reserve Command ay na-dismiss na daw naman siya at nakapagtataka nga dito at nakakatuwa dahil nung siya ay nagkaso ay nagpakilala siyang Obispo dati nagpapakilala siyang Pari ng MOP ng Katoliko pero nung nagkaso na siya ay nagpakilala na siyang Obispo ng a certain sect ba yun o religion.” Dagdag pa ni Fr. Flores.

Nasasaad sa resolusyon ng Quezon City Prosecutor’s Office na may petsang July 2025 na walang nakitang probable cause ang mga prosecutors para kasuhan si Military Bishop Oscar Jaime Florencio, Rev. Fr. Harley Flores, Radyo Veritas 846 Reporter Reyn Letran-Ibañez, Sunstar Publishing Inc., at Daily Tribune sa ilalim ng Seksyon 4(c)(4) ng Cybercrime Prevention Act of 2012.
Wala ring nakitang merit ang Quezon City Prosecutor’s Office sa paratang ni Aguilan na nagdulot sa kanya ng kahihiyan at kasiraan ang naturang liham sirkular at mga artikulo sapagkat ang pangalang nasasaad sa nasabing liham ng MOP na ibinalita ng Radyo Veritas at iba pang media outlet ay patungkol sa isang “Fr. Aries Aguilar” at hindi ‘Aguilan’.

Binigyang diin rin ng mamamahayag mula sa Radyo Veritas na si Reyn Letran-Ibañez na nakabatay lamang sa opisyal na liham ng MOP ang mga artikulong isinasapubliko nito at walang layuning manira ng sinuman.

“As a Radio Veritas political advocate, it is within the course of my duties and responsibilities to cause the publication of information handed down by the Catholic Church… It is my sworn duty to report and write stories with objectivity and without bias based on facts and figures, Catholic Social teachings and Church documents. I have not, nor am I permitted to add my own commentary other than what is reasonably inferred from information given to me and in line with the teachings of the faith.” Bahagi ng pahayag ni Letran-Ibañez.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 126,969 total views

 126,969 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 157,191 total views

 157,191 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 183,839 total views

 183,839 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 278,812 total views

 278,812 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 291,631 total views

 291,631 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top