Pangunahan ang pagpapalaganap ng pananampalataya, panawagan ng CBCP sa mga kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,661 total reads

Nanawagan si CBCP-Episcopal Commission on Evangelization and Catechesis Chairman San Fernando La Union Bishop Daniel Presto sa mga mananampalataya at kabataan na pangunahan ang pagpapalaganap ng pananampalataya sa lipunan.

Ito ang mensahe ng Obispo sa mga kabataan sa pagdaraos sa tatlong araw na Philippine Conference on New Evangelization dito s University of Santo Tomas Quadricentennial Pavillion.

Ayon sa Obispo, ito ay dahil sa pagiging tagapagmana ng mga kabataan sa kinabukasan kung kayat sa tulong ng kanilang maagang pagpapalaganap ay maipagpatuloy ang malalim na pananampalataya sa Pilipinas at buong mundo.

“Dahil dito sikapin na maging ‘Misyonero’ sa bawat kabataan, lalo’t higit sa mga dumaranas ng hirap, dumaranas ng pagsubok, dumaranas ng kalungkutan, kaya’t sa pagdiriwang na ito, hingiin namin ang inyong pananalangin sa matagumpay na pagdiriwang ng tatlong araw na Philippine Conference on New Evangelization, tayo nawa, lahat ng mga kabataan ay inaanyayahan ko rin na sikaping isabuhay ang Mabuting Balita at ang tungkuling maging ‘Misyonero sa Kapwa,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Presto.

Ayon pa sa Obispo, sa pamamagitan ng pagtutulungan bilang nag-iisang simbahan ay tiyak na mapapalaganap ang pananampalataya sa lipunan upang higit na makilala ng marami ang Diyos at Panginoong Hesukristo.

Inihayag ni Bishop Presto na higit ding naisasabuhay ang Synodal journey kung sama samang naglalakbay ang mga mananampalataya bilang nag-iisang simbahan at higit na naisasabuhay ang tema ng Jubile Year ngayong taon na Pilgrims of Hope.

“Mga minamahal na mga kapatid sa pananampalataya, ngayon ay ipinagdiriwang natin ngayon ang ikalabing isang pagdiriwang ng PCNE – Philippine Conference on New Evangelization dito sa UNiversity of Santo Tomas, at dito ay naglalayon na ang mga participants ay maging mga misyonero, mga evangelizers, ipahayag ang Mabuting Balita at ang simbahang Sinodal, lalo’t higit sa mga kabataan, kayo ang pag-asa ng ating Simbahan – ay maipagpatuloy ang diwa ng PCNE o ng Synodal Church,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Presto.

Ngayong taon, sa pangangasiwa ng Archdiocese of Manila Office for the Promotion of New Evangelization sa PCNE 11 ay muli itong ipinagdiriwang sa University of Santo Tomas sa temang “Padayon: Synodal Witnessing of the Faith”.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 21,105 total reads

 21,105 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 58,622 total reads

 58,622 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 76,833 total reads

 76,833 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 161,161 total reads

 161,161 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 197,539 total reads

 197,539 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 20,088 total reads

 20,088 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »
Scroll to Top