Caritas Manila, nakikipag-ugnayan sa lahat ng diyosesis na apektado ng masamang panahon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,390 total views

Tiniyak ng social arm ng Archdiocese of Manila ang pakikipag-ugnayan sa lahat ng mga diyosesis na apektado ng pananalasa ng sama ng panahon dahil sa epekto ng Habagat na una ng pinaigting ng Bagyong Crising.

Ayon kay Caritas Manila Executive Director Rev. Fr. Anton CT Pascual, puspusan ang pakikipag-ugnayan ng Caritas Manila sa mga social action directors at obispo ng mga diyosesis na naapektuhan ng matinding pagbaha na dulot ng sama ng panahon.

Pagbabahagi ng Pari, nakataas na ang alerto ng Caritas Manila sa tuwing sasapit ang ikalawang bahagi ng taon dahil sa mga pag-ulan, baha at lakas ng hangin ng dulot ng mga bagyo.

Bagamat tiniyak ni Fr. Pascual, ang tulong sa lahat ng mga naapektuhan ng sama ng panahon ay nanawagan naman ang Pari ng pananalangin upang ipag-adya ang lahat mula sa epekto ng kalamidad.

“Nakikipag-ugnayan tayo sa mga social action, sa mga local bishops at ito’y isang alam naman natin sa ganitong panahon sa 2nd half of the year na July to December talagang expected itong mga tag-ulan, baha, hangin at pinagdadasal natin na huwag maging matindi, zero casualty pero ganun pa man handa ang Simbahan na tumulong.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Pascual sa Radyo Veritas.

Nanawagan rin ang Pari sa mga mananampalataya na ipanalangin ang kapakanan at kabuhayan lalo na ng mga nasa sektor ng agrikultura na kadalasan ring nagiging biktima ng kalamidad na dulot ng sama ng panahon.

“Tayo ay patuloy na nagmomonitor at syempre sa probinsya naman ang importante diyan yung mga tinamaan ng agri-communities na mga magsasaka saka mangingisda, tayo rin ang handang magbigay ng relief at rehab.” Dagdag pa ni Fr. Pascual.

Paliwanag ng Pari, 75-porsyento ng mga mahihirap ang kabilang sa sektor ng agrikultura kaya naman higit na kinakailangan ng nasabing sektor ang tulong at panalangin sa oras ng kalamidad.

“Ang pinagdarasal lang natin ay zero casualty at huwag matindi ang pinsala sa ating kabuhayan lalong lalo na sa agricultural sector na naroon ang maraming mahihirap, 75% ng mga mahihirap sa ating bansa ay naroon at tayo po ay ang buong Simbahan lalo na ang mga social action centers ay handang tumulong relief and rehab and restoration sa ating mga kababayan na maapektuhan sa pakikipag-unayan sa LGU at iba pang NGO.” Ayon pa kay Fr. Pascual.

Ang Caritas Manila ang nagsisilbing social arm ng Archdiocese of Manila na kung saan pinangangasiwaan ng Caritas Damayan ang mga pangangasiwa sa pagtugon sa agarang pangangailangan ng mga nasasalanta ng iba’t ibang kalamidad at sakuna hindi lamang sa Maynila kundi maging sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 27,560 total views

 27,560 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 50,712 total views

 50,712 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 120,826 total views

 120,826 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 195,440 total views

 195,440 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 273,489 total views

 273,489 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 5,162 total views

 5,162 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top