Onward home sa mga street dwellers,inilunsad ng Vincentian foundation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 45,161 total reads

Inilunsad ng Vincentian Foundation programang pabahay para maging pansamantalang kanlungan ng mga pamilyang naninirahan sa mga lansangan.

Ayon kay the Vincentian Missionaries Social Development Foundation Executive Director Fr. Geowen Porcincula, CM ito ang tugon ng kongregasyon upang matulungan ang mga street dwellers na magkaroon ng maayos at ligtas na maisilungan lalo na sa panahon ng mga kalamidad.

Sinabi ng pari na ang Onward Home ay isa lamang sa ilang housing-based programs sa Metro Manila para sa mga street dwelling families na makatutulong sa pagtugon sa tumataas na bilang ng mga walang tahanan sa National Capital Region na tinatayang nasa tatlong milyon habang nasa 250-libo hanggang isang milyong mga bata ang natutulog sa kalye.

“Extreme weather events make life precarious, but even more so for those living in poorly constructed dwellings. Flooding, typhoons, and heavy rains can cause these shelters to collapse, leading to loss of life and families with nowhere to go,” ayon kay Fr. Porcincula.

Nangangamba ang pari sa kalagayan ng mga nasa lansangan sa panahon ng sakuna na walang maayos na matutuluyan tulad ng mga naninirahan sa ilalim ng tulay, kariton, at lalo na sa gilid ng mga pangunahing lansangan na lubhang lantad sa panganib.

“Once on the street, they are exposed to multiple risks, including violence and exploitation. Children are particularly susceptible to abuse,” dagdga ng pari.

Naniniwala si Fr. Porcincula na mahalaga ang mga kanlungan upang maiwasan ang usapin ng mental health crises, exploitation, at human trafficking gayundin ang kawalang access sa wastong edukasyon na isang daan upang magkaroon ng trabaho at unti-unting makaahon sa kahirapan.

Katuwang ng Vincentian Foundation sa Onward Home ang Depaul International at Vincentian Family Philippines kung saan sa loob ng 12 buwan ay sasailalim ang mga pamilya sa iba’t ibang formation program katuwang ang mga eksperto tulad ng social workers upang ganap na maging handa sa permanent housing at maturuan ang mga magulang na magkaroon ng kabuhayan sa pamamagitan ng Vincentian Foundation’s Social Enterprise Development Center.
”
A home is not just a shelter, but a place of dignity, stability, and new beginnings. As the first families move in today, it is the first step on their journey toward a permanent home. Over the next 12 months, we will prioritize their mental health, psycho-emotional well-being, and economic stability to ensure a successful transition,” giit ni Fr. Porcincula.

Tiniyak ng pari na ang mga bahay ng Onward Home na matatagpuan sa Vincentian Foundation Kawayan Housing site sa Bagong Silangan, Quezon City ay matibay at gawa sa Cement-Bamboo Frame Technology (CBFT) na nilikha ng Base Bahay Foundation na nakadisenyo laban sa anumang banta ng sakuna tulad ng bagyo, malalakas na hangin, at lindol.

Pinangunahan ni Fr. Porcincula ang pagdiriwang ng Banal na Misa bago ang isinagawang turnover sa ilang pamilya na mauunang sasailalim sa programa ng Onward Home.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 119,607 total reads

 119,607 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 152,936 total reads

 152,936 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 185,080 total reads

 185,080 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 251,143 total reads

 251,143 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 262,700 total reads

 262,700 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top