Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,192 total reads

Homiliya para sa Kapistahan ni Santiago Apostol, 25 Hulyo 2025, 2 Cor 4:7-15; Mat 20:20-28

“Nanindigan ako, kaya’t nagsalita ko.”

Galing sa Aklat ng mga Salmo ang binanggit na quotation (siping pahayag) ni San Pablo sa ating unang pagbasa. Nasa Psalm 116:10 ito. Sa Ingles, “I believed, therefore I spoke.” Parang kahawig ng pangungusap ng isang kilalang pilosopong Frances na ang pangalan ay Rene Descartes: “Cogito, ergo sum.” Nag-iisip ako; kung gayon umiiral ako. Pero kay San Pablo, iba: “Credo, ergo loquor.” Naniniwala ako; kung gayon nagsasalita ako. O sa mas simpleng Tagalog, Pinaninindigan ko ang sinasabi ko. Ibig sabihin: “Handa akong itaya ang buhay ko sa salitang binibigkas ko.”

Parang ganito rin ang punto ni Hesus sa magkapatid na anak ni Zebedeo—Santiago at Juan—sa ating ebanghelyo. Sa totoo lang, medyo nagtataka nga ako kung bakit ba ito ang binabasang ebanghelyo sa araw ng kapistahan ni Apostol Santiago. Kahiya-hiya kasi ang dating ng kuwento. Kasi, hindi naman sila kundi ang nanay nila (sa version ni San Mateo) ang nagpaabot kay Hesus tungkol sa gusto ng dalawang magkapatid.

Sa Tagalog may tawag sa ganyan: “Nanghihiram ng bibig.” At ano ang gusto nila? Pwede daw bang maluklok sila o mapwesto sa kaliwa’t kanan ni Hesus sa kanyang kaharian? Kung gagawa tayo ng kaunting “reading between the lines” dito, parang ganito ang sagot ni Hesus, “Brods, hindi ninyo kailangan manghiram ng bibig. Kung iyon ang hinihiling ninyo, sabihin na lang ninyo ng diretso. At ito naman ang isasagot ko sa inyo, “Hindi ninyo alam ang hinihingi ninyo… Kaya ba ninyong panagutan ito pagdating ng panahon?”” Sagot nila, “Oo naman, kaya namin.”

Titser na titser ang dating ni Hesus sa magkapatid, ang mga bunso sa mga alagad niya. Tinuturuan sila na magsalita nang tama. Na kung gusto nila na paniwalaan ang mabuting balita na kanilang ipahahayag, dapat panindigan nila ang kanilang salita. Na kung di nila kayang itaya ang buhay nila, huwag na lang nilang gawin o sabihin.

Kaya nasabi ni San Pablo sa unang pagbasa na ang hatid niyang mabuting balita ay para bang “kayamanan nakasilid sa isang marupok na palayok”. Na ang tunay na nagbibigay ng lakas at kapangyarihan sa kanyang mga salita ay ang Diyos, hindi ang sarili niya. Na ang dala niyang lakas sa mahinang pagkatao niya ay hindi kanya galing kundi sa pakikiisa niya sa pagkatao ni HesuKristo. Kaya nasabi niya, “Kahit gipitin kami, di kami malupig; kahit maguluhan kami, di kami mawalan ng pag-asa; kahit usigin kami, di kami matalo; kahit saktan kami, di kami mapatay.”

Sa unang ordinasyon na tinanggap ko noong 1982–ang ordinasyon sa pagka-diyakono, tandang-tanda ko pa ang sinabi ng obispo habang ibinibigay niya sa akin ang Book of Gospels: “Tanggapin mo ang Salita ng Diyos bilang tagapagpahayag nito. PANINDIGAN mo ang BINABASA mo, ITURO mo ang PINANINDINDIGAN mo at ISAGAWA mo ang ITINUTURO mo.” Ito kasi ang itinuro ni Hesus sa atin upang tayo rin ay matutong magpahayag ng salitang may kapangyarihang magpabago sa sangkatauhan at sa sandaigdigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 17,700 total reads

 17,700 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 55,493 total reads

 55,493 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 73,703 total reads

 73,703 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 158,032 total reads

 158,032 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 194,562 total reads

 194,562 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BASBAS NI NANAY

 7,776 total reads

 7,776 total reads Homiliya para sa araw ng paggunita sa kapistahan ni Santa Monica, ina ni San Agustin, 27 ng Agosto 2026, 1 Cor 1,1-9; Mateo

Read More »

THE “SON OF MAN”

 12,776 total reads

 12,776 total reads Homily for the 21st Sunday in Ordinary Time, 23 August 2026 Matthew 16:13–20 We need to do a little Bible study for a

Read More »

LOVE YOUR NEIGHBOR AS YOURSELF

 9,562 total reads

 9,562 total reads Homily for the Last Day of the Novena Mass of Mary the Queen Parish, Friday, 21 August 2026 Ezekiel 37:1–14; Matthew 22:34–40, Votive

Read More »

SINO?

 21,511 total reads

 21,511 total reads Homiliya para sa Ika-18ng linggo ng Karaniwang Panahon, 2 Agosto 2026, Mateo 14:13-21 Ang kulturang Pinoy ang makapagpapaunawa sa atin sa eksenang inilalarawan

Read More »
Scroll to Top