“Church in mission” ng simbahan, paiigtingin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,166 total reads

Ikinalugod ni Dumaguete Bishop Julito Cortes ang patuloy na pagyabong ng pananampalataya ng diyosesis sa loob ng pitong dekadang pagmimisyon.

Ito ang mensahe ng obispo kasunod ng ordinasyon ni Bishop Glenn Corsiga na bagong obispo ng Diocese of Ipil, Zamboanga Sibugay.

Sinabi ni Bishop Cortes na malaking biyaya para sa diyosesis ang makapagbahagi ng misyonerong pastol sa simbahang katolika.

“As we celebrate the 70th anniversary of the founding of our diocese, we have been gifted with a bishop from among our own clergy. What a great grace and providence of the Lord for us. A gift meant to be shared,” pahayag ni Bishop Cortes sa Radyo Veritas.

Tiniyak ng obispo na patuloy itong makikiisa sa misyon at panawagan ng namayapang Pope Francis gayundin sa kasalukuyang pamumuno ni Pope Leo XIV na maging ‘church in mission.’

Kabilang din sa mga obispong mula sa diyosesis ay sina Marawi Bishop Edwin dela Peña, Agaña Guam Archbishop Ryan Jimenez, Chalan Kanoa Bishop Romeo Convocar at iba pang mga paring naglilingkod sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

“This call of our popes to be a missionary Church is a recognition of God’s grace at work in our midst. We already have two other missionary priests — one in Marawi and the other in Canada — showing that our diocese is already contributing to the universal Church,” dagdag pa ni Bishop Cortes.

Batay sa kasaysayan, noong Hulyo 29, 1955, itinalaga ni Pope Pius XII si Bishop Epifanio Surban bilang kauna-unahang obispo ng Dumaguete.

Makalipas ang 70 taon, inordinahan naman si Bishop Corsiga para sa Diocese of Ipil upang magpastol sa mahigit kalahating milyong kawan, kabilang na ang mga Muslim sa Zamboanga Sibugay.

Pinangunahan ni Zamboanga Archbishop Julius Tonel ang rito ng ordinasyon katuwang sina Dumaguete Bishop Julito Cortes at Palo Archbishop John Du habang si Cebu Archbishop Jose Palma ang nagsilbing homilist.

Dumalo sa pagtitipon ang 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis, kabilang na si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula. Si Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara naman ang kumatawan sa mga opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines bilang kasalukuyang Pangalawang Pangulo nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 20,137 total reads

 20,137 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 57,753 total reads

 57,753 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 75,964 total reads

 75,964 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 160,292 total reads

 160,292 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 196,712 total reads

 196,712 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 2,683 total reads

 2,683 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top