Kasakiman, ugat ng lahat ng kasamaan-Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,192 total views

Kinundena ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang patuloy na paghahari ng kasikiman sa puso ng mga tao na nagdudulot ng pagkalulong sa bisyo katulad ng sugal o online gambling.

Ayon kay Bishop Pabillo, sa matinding paghahangad ng tao na yumaman ang nag-uudyok sa marami na malulong sa masamang bisyo katulad ng online gambling.

Itinuturing ng Obispo ang online gambling na bagong “pandemyang”sumisira sa buhay ng mga Pilipino at kanilang pamilya.

“Pati ang Diyos ay dinadaya natin, kaya nga pati ang simbahan ay ninanakawan, kinukupitan. Para sa iba, ginagamit ang Diyos para magkaroon ng pera, kaya hindi nagbibigay ng proper accounting ng pera ng simbahan. Walang transparency. Nakakalimutan yata natin ang maliwanag na sinabi ni Jesus na hindi tayo makapaglilingkod sa dalawang panginoon– sa pera at sa Diyos. Maaaring gamitin natin ang pera para sa Diyos o di kaya gamitin natin ang Diyos para sa pera,” ayon sa pagninilay ni Bishop Pabillo.

Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo na maibabalik natin ang buhay sa panginoon sa pagkilala na ang kasakiman ay ugat ng lahat ng kasamaan.

Hinhimok ng Obispo ang lahat na gamitin ang pera at yaman sa wastong pamamaraan at pagbibigay prayoridad sa pangangailangan maging sa pagkawanggawa.

“Pinapaalaala ng mga pagbasa natin ngayon na isipin natin na hindi natin mahahawakan ang anumang bagay sa mundo. Sinabi ng Mangangaral sa unang pagbasa natin na walang kabuluhan, parang bula lamang, ang mga bagay sa mundo. Nakakita na tayo ng mga bata na naglalaro ng bula ng sabon. Ang ganda ng bula. Makulay at bilog na bilog na lumilipad, pero hindi natin mahawakan. Kapag pumatong sa ating kamay sila ay pumuputok, naglalaho. Ganyan ang kayamanan sa mundo,” bahagi pa ng pagninilay ni Bishop Pabillo.

Sa datos ng Recovering Gamblers of the Philippines, 80% sa kanilang mga rehab patient ay pawang mga biktima ng online gambling na bukod sa pagkalugi sa pera ay nagdulot din ng depresyon, pagkasira ng buhay, pamilya at relasyon sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 11,607 total views

 11,607 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 81,719 total views

 81,719 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 156,333 total views

 156,333 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 236,412 total views

 236,412 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 279,251 total views

 279,251 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Proteksyon, panawagan ng WMRA

 518 total views

 518 total views Nanawagan ang Workers Motorcycle Riders Association (WMRA) sa mga rider at publiko sa buong bansa na makiisa sa pag-aalay ng panalangin at pagsisindi

Read More »
Scroll to Top