Dayalogo, tugon sa hindi pagkakaunawaan hindi digmaan-Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,662 total reads

Nanindigan si Pope Leo XIV na hindi digmaan ang tugon sa anumang hindi pagkakaunawaan kundi dayalogo.

Sa kanyang Angelus sa St. Peter’s Square, nanawagan si Pope Leo ng kapayapaan sa gitna ng lumalalang mga digmaan sa mundo, binigyang-pugay ang kabataang Kristiyano, at inanunsyo ang nalalapit na World Youth Day sa South Korea.

Binigyang-diin ni Pope Leo ang presensiya ng mga perigrinong kabataan sa Roma na lumahok sa Jubilee of Young People, bilang tanda ng pag-asa na ang pagkakapatiran ay posible sa kabila ng pagkakaiba ng kultura, tradisyon at paniniwala.

“My young brothers and sisters, you are the sign that a different world is possible: a world of fraternity and friendship, where conflicts are not resolved with weapons but with dialogue,” ayon kay Pope Leo.

Inihayag ng santo papa ang kanyang pakikiisa lalo na sa mga kabataang nagdurusa sa digmaan sa Ukraine at Gaza, gayundin sa iba pang lugar, lalo na sa Middle East, kung saan maraming tao na ang lubhang apektado at napilitang lisanin ang kanilang lugar para sa kaligtasan.

Umaasa ang punong pastol sa mahigit isang bilyong Katoliko sa mundo na pagsumikapan ng mga kabataan na maging asin at liwanag sa mundong nababalot ng dilim dulot ng digmaan, kahirapan at iba pang suliraning panlipunan.

“With Christ, it is possible! With his love, with his forgiveness, and with the power of his Spirit,” saad ng santo papa.

Kasabay nito, inanunsyo ni Pope Leo ang pagdaraos ng World Youth Day mula Agosto 3 hanggang 8, 2027, na unang itinakda ni noo’y Pope Francis sa South Korea.

Ang tema ng WYD 2027 ay “Take courage! I have overcome the world,” na hango sa Ebanghelyo ni San Juan, kabanata 16, talata 33—isang hamon sa bawat kabataang patuloy na manindigan sa misyong iniatang ni Kristo na ibahagi ang Mabuting Balita sa buong mundo.

Ang Jubilee of Young People ay bahagi ng Extraordinary Jubilee na inilunsad ng Simbahang Katoliko upang hikayatin ang kabataan sa mas malalim na pananampalataya at pakikiisa.(

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pahirapang dagdag-sahod

 10,573 total reads

 10,573 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 92,312 total reads

 92,312 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 194,038 total reads

 194,038 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 230,826 total reads

 230,826 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 260,967 total reads

 260,967 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top