Debosyon sa Birheng Maria, gabay sa malalim na ugnayan kay Hesus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,372 total reads

Pinaalalahanan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya na ang debosyon sa Mahal na Birheng Maria ay hindi nagtatapos sa kanya, kundi nagsisilbing gabay tungo sa mas malalim na ugnayan kay Hesukristo.

Ito ang naging mensahe ng obispo sa ginanap na pagluklok at pagbabasbas ng bagong imahe ng Nuestra Señora de los Desamparados de Marikina noong Agosto 5 sa Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de los Desamparados sa Marikina City.

“Devotion to Mary leads to salvation through Christ. Her desire is to lead us to Jesus—not to draw attention to herself,” ani Bishop Santos.

Binigyang-diin ng obispo na ang mga imahe ay hindi upang sambahin bilang materyal na bagay, kundi upang magsilbing paalala ng mga birtud ni Maria lalo na ng kanyang kababaang-loob na dapat tularan upang mapalapit sa kanyang Anak.

Nanawagan si Bishop Santos na huwag hayaang maging sanhi ng alitan ang debosyon, kundi maging daan ng pagkakaisa, malasakit, at pagkakawanggawa.

“Let Mary’s image not be a cause of dispute but a call for compassion, charity, and unity. A mother rejoices not in the quarrel of her children, but in their unity, peace, and shared kindness,” dagdag pa ng obispo.

Hinimok ni Bishop Santos ang mga deboto na palalimin ang kanilang pananalig sa pamamagitan ng panalangin at gawaing makadiyos, at hayaan ang kanilang paggalang sa Mahal na Ina na humubog sa kung paanong magmahal at maglingkod sa kapwa.

“She leads us always to her Son—and her deepest joy is to see us united in love, anchored in hope, and growing in holiness together,” pagtatapos niya.

Bagong Imahe, Iisang Pananampalataya: Ang Paglalakbay ng Nuestra Señora de los Desamparados
Kasabay ng pagdiriwang, isang mahalagang yugto rin sa kasaysayan ng parokya ang isinakatuparan sa pamamagitan ng pagbabasbas at pormal na pagluklok ng bagong imahe ng patrona ng Marikina.

Pinangunahan ni Antipolo Bishop Emeritus Francisco De Leon ang Banal na Misa at mga ritwal ng pagbabasbas, katuwang si Shrine Rector at Parish Priest Fr. Lamberto Ramos.

Ayon sa kasaysayan, nagsimula ang debosyon sa Nuestra Señora de los Desamparados mahigit 600 taon na ang nakalilipas sa Valencia, Spain. Noong 1717, dumating sa Pilipinas ang unang imahe mula sa Valencia at kasalukuyang nakadambana sa Sta. Ana Church sa Maynila.

Itinalaga ang Marikina sa ilalim ng kanyang patronahe noong Oktubre 23, 1791. Noong 2002, idinambana ang imahe sa parokya at ginawaran ng canonical coronation ni Pope Benedict XVI. Noong 2007, idineklara ang parokya bilang diocesan shrine sa bisa ng utos ni dating Antipolo Bishop Gabriel Reyes.

Bagong Imahe para sa Mas Malaking Misyon Bilang bahagi ng hangarin ng parokya na maitaas bilang isang minor basilica, isa sa mga kinakailangan ay dapat na ang imahe ng patrona ay pag-aari ng parokya.
Ang matandang imahe ng Birheng Maria na dating nasa altar ay pagmamay-ari ng isang pribadong pamilya.

Bagamat nagsagawa ng pakikipagdayalogo para sa turnover ng imahe, hindi ito naisakatuparan.

Dahil dito, sa pamumuno ni Fr. Ramos, isang bagong imahe ang ipinagawa na ginaya mula sa orihinal na anyo ng Nuestra Señora de los Desamparados sa basilica sa Valencia, Spain.

Nagsagawa rin ang parokya ng twinning partnership sa pagitan ng Diocesan Shrine sa Marikina at ng Basilica sa Valencia.

Nakamit din nito ang Spiritual Bond of Affinity sa Basilica of Saint Mary Major sa Roma, bilang bahagi ng pagpapalalim ng espiritwal na ugnayan sa pandaigdigang simbahan.

Samantala, ang lumang replica image ng patrona ay idinamban sa Holy Cross Chapel ng parokya, na maaaring dalawin ng mga perigrino bilang bahagi ng kanilang debosyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 30,060 total reads

 30,060 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 66,913 total reads

 66,913 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 85,124 total reads

 85,124 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 169,452 total reads

 169,452 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 205,446 total reads

 205,446 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 4,058 total reads

 4,058 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top