Batas na magpapaliban sa BSKE, lalagdaan ng pangulong Marcos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,685 total views

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na lalagdaan niya ang panukalang batas na magpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE.

Ayon sa Pangulo, kailangang ituon muna ng pamahalaan at ng Commission on Elections ang kanilang atensyon sa kauna-unahang halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

“No, I’ll sign it. Ill sign it. Because we are facing one of the biggest elements here—we just finished a major election, the midterm election, next will be BARMM. Now we’re adding the barangay elections as well. It’s too much—actually, it’s the Comelec saying, “We can’t handle it,” pahayag ni Pangulong Marcos sa press conference sa Philippine media delegation sa India nitong Agosto 8.

Ang BARMM election ay nakatakdang ganapin sa Oktubre at ang kauna-uhang parliamentary election sa rehiyon na direktang ihahalal ng mga mamamayan.

Sa halip na hayaan itong mag-lapse into law sa Agosto 14, personal na lalagdaan ng Pangulo ang panukalang batas bilang pagsuporta sa rekomendasyon ng Comelec na hindi kayaning pagsabayin ang paghahanda para sa midterm elections, BARMM elections, at BSKE.

Matatandaan na noong Hunyo, niratipikahan ng Senado at Kamara ang bicameral conference committee report na nagpapalawig sa termino ng mga barangay at SK officials mula tatlong taon tungo sa apat na taon.

Nakasaad din sa panukala na ang halalan, na orihinal na itinakda sa Disyembre 1, 2025, ay ililipat sa unang Lunes ng Nobyembre 2026.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 41,360 total views

 41,360 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 41,360 total views

 41,360 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 41,360 total views

 41,360 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 40,023 total views

 40,023 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 36,498 total views

 36,498 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top