Charter Change, hindi sinang-ayunan ng opisyal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,506 total reads

Hindi sang-ayon ang isang opisyal ng simbahan sa mungkahing muling buksan ang usapin ng pagbabago ng Saligang Batas bilang solusyon sa mga kinakaharap na mga problema ng bansa.

Ito ang pananaw ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Public Affairs.

Nangangamba ang pari na maaring malihis ng usapin ng charter change mula sa mas mahalagang usapin ng bansa, kaya’t hindi naangkop na itulak ang pagsasaayos ng Saligang Batas.

“May not be the proper time to insert the issue of Con-Con when the country is already divided. Con-Con may only take away the focus from the more pressing needs of the country at the moment,” ayon kay Fr. Secillano.

Naniniwala ang pari na hindi malabo ang probisyon sa Konstitusyon, sa halip ay binabaluktot lamang ng ilang mga abogado na siyang nagpapahirap sa usapin.

Iginiit ng pari na madaling unawain ang mga probisyon ng Saligang Batas ng kahit hindi mga abogado.

Dagdag pa ng pari, “It’s a complicated solution to an otherwise simple provision that is easily understood by even a non-lawyer. It’s not the provision that’s vague. It’s the twisted logic of professed lawyers that make issues complicated.”

Una ng nanawagan si Deputy Speaker at National Unity Party (NUP) chairman Ronaldo Puno sa pagsasagawa ng isang constitutional convention (ConCon) para muling pag-aralan at ayusin ang 1987 Konstitusyon,

Giit ng kongresista, layunin nitong alisin ang matagal nang malalabong probisyon at mga pagkukulang na nagpapahina sa batas at sa tiwala ng taumbayan.

Partikular na tinukoy ng kongresista, ang magkakaibang pakahulugan sa salitang ‘forthwith’ gayundin ang umiiral na proseso sa pagpapanagot sa bise presidente.

Inamin naman ng mambabatas na hindi madali ang usapin ng Cha-cha lalo’t maraming agam-agam ang ilan, kabilang ang mga usapin ng term extension sa mga halal na opisyal ng gobyerno.

Sa kabila nito, naniniwala ang kongresista, na ang Konstitusyon bilang pangunahing batas ng bansa, ay dapat malinaw, matatag, at madaling maunawaanng hukuman, mambabatas, at lahat ng mamamayan na pinangangalagaan ang karapatan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 4,200 total reads

 4,200 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 4,328 total reads

 4,328 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 8,799 total reads

 8,799 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 65,203 total reads

 65,203 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 188,707 total reads

 188,707 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 273,770 total reads

 273,770 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RCAM, magsasanay ng emergency management

 4,201 total reads

 4,201 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 4,329 total reads

 4,329 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »
Scroll to Top