DPWH at mga mambabatas, hinamong gamitin sa tama ang pondo sa flood control projects

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,223 total reads

Nanawagan si University of the Philippines–Philippine General Hospital (UP-PGH) head chaplain, Fr. Marlito Ocon SJ, sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at sa mga mambabatas na tiyakin ang wastong paggamit ng pondo para sa flood control, kasunod ng naranasang matinding pagbaha sa Maynila kamakailan.

Ayon kay Fr. Ocon, sa kabila ng bilyon-bilyong pondo na nakalaan sa flood control—₱351 bilyon noong 2024 at ₱349 bilyon ngayong 2025—patuloy pa rin ang lumalalang pagbaha kada taon.

Isinalaysay ng pari na unang beses niyang masaksihan ang paglilinis ng drainage system sa kahabaan ng Taft Avenue at Padre Faura Street sa kasagsagan ng baha, kung saan nakita niya ang mga manggagawang walang tamang kagamitan at safety attire, at gumagamit lamang ng bamboo stick at lumang lubid sa paglilinis.

“DPWH or Contractor? Kahiya-hiya naman kayo, sa laki ng budget, ang gamit nila bamboo stick, lumang lubid? At wala pang safety attire ang mga workers na lumusob sa ilalim ng culverts,” ayon kay Fr. Ocon

Nag-aalala rin si Fr. Ocon na walang ibinibigay na gamot para maiwasan ang leptospirosis sa mga lumulusong sa maruming tubig.

Dahil dito, nanawagan ang pari sa DPWH, mga project contractor, at mga mambabatas na maging tapat sa paggamit ng pondo at tiyaking mabigyan ng sapat na kagamitan at proteksyon ang mga manggagawa.

“Mahiya naman kayo! And I would like to beg, maawa naman kayo. Minimum lang ang sweldo nitong mga lumulusob at sumisisid sa baha, habang kayo ay nagpapakasasa at nagpapakasawa sa pera ng madla. If you cannot be honest in using government funds, pakiusap nalang, kahit paki-provide naman sila ng proper and safety attire, or a little advance equipments naman, kung may awa kayo,” giit ni Fr. Ocon.

Kaugnay nito, kasabay ng paglulunsad sa “Sumbong sa Pangulo” website, isang online platform na nagbibigay sa publiko ng access sa listahan ng flood control projects sa bansa at magsisilbing mekanismo ng check and balance, iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang imbestigasyon sa ₱545 bilyong pondo para sa flood control, matapos matuklasang 20% nito ay napunta lamang sa 15 contractors.

Bago pa man ito, binigyang-diin na ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines president, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na pinalalala ng katiwalian sa pamahalaan ang masamang epekto ng climate change na nagdudulot ng mas malalakas na bagyo, kaya’t mahalagang isabay sa mga flood control project ang mahigpit na “corruption control.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 56,991 total reads

 56,991 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 136,242 total reads

 136,242 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 169,687 total reads

 169,687 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 204,985 total reads

 204,985 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 429,197 total reads

 429,197 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,195 total reads

 157,195 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top