“Seminar at workshop sa pagpapanatili ng makasaysayang simbahan, isasagawa sa Pampanga”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,152 total views

Pangungunahan ng San Fernando-Pampanga Archdiocesan Commission on Church Heritage, katuwang ang United Architects of the Philippines — Commission on Liturgical Architecture & Sacred Spaces (UAP-CLASS), ang seminar at workshop na may temang “Conserving Heritage Churches.”

Isasagawa ito sa August 18, 2025, mula alas-8:30 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa Virgen de los Remedios Function Hall, Arzobispado de San Fernando, San Jose, San Fernando City, Pampanga.

Magsisimula ang programa sa pamamagitan ng pambungad na pananalita ni San Fernando, Pampanga Archbishop Florentino Lavarias, at susundan ng pagpapakilala sa mga magiging tagapagsalita.

Kabilang dito sina National Museum of the Philippines – Arts and Built Heritage Division Museum Researcher II John Brian de Asis, MA, na tatalakay sa paksang “Importance of Republic Act 11961 Related to Declared Churches.”

Susundan ito ng pagbabahagi ni International Council on Monuments & Sites — Philippines President, Wood Structure Management Dr. Cheek Fadriquela tungkol sa “Wood Management in Heritage Churches”; at panghuli nama’y si UAP-CLASS Chairman Arch. Roy John de Guzman na ituturo ang “Basic Church Construction and Maintenance Workshop.”

Layunin ng gawain na palawakin ang kaalaman at kamalayan hinggil sa pangangalaga at pagpapanatili ng mga makasaysayang simbahan, na itinuturing na mahalagang bahagi ng pamana ng Simbahang Katolika at ng kasaysayan ng bansa.

Ang mga heritage church ay patunay ng pananampalataya, sining, at kultura ng mga Pilipino sa loob ng maraming siglo, at tampok dito ang kakaibang disenyo at sining na pinagsama ang impluwensiya ng kolonyal na kasaysayan at likas na galing ng mga Pilipino.

Sa Pampanga, kabilang sa mga kilalang heritage churches ang San Guillermo Parish Church sa Bacolor; Sta. Monica Parish Church sa Minalin; at ang Metropolitan Cathedral of San Fernando.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 213,754 total views

 213,754 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 243,978 total views

 243,978 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 270,622 total views

 270,622 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 365,595 total views

 365,595 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 372,770 total views

 372,770 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top