Pamumuhunan ng ADB sa mining projects sa Pilipinas, binatikos ng ATM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,495 total reads

Mariing tinutulan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) at ilang civil society organizations ang plano ng Asian Development Bank (ADB) na mamuhunan sa mga mining project sa ilalim ng “Critical Minerals for Clean Energy Technologies” (CM2CET) approach.

Sa isinagawang malikhaing kilos-protesta sa harap ng ADB Headquarters sa Mandaluyong City, sinabi ni Jaybee Garganera, National Coordinator ng ATM, na nalalagay sa alanganin ang ADB dahil sa pagpopondo nito sa mas maraming pagmimina kapalit ng pagkasira ng biodiversity, yamang-tubig, at karapatan sa lupa.

Binigyang-diin ni Garganera na ang pagmimina ng mga critical minerals tulad ng nickel at copper ay maaaring lumikha ng tinatawag na “sacrifice zones.”

“Mining of critical minerals such as nickel and copper will potentially create ‘sacrifice zones’ – where governments and mining corporations sacrifice fragile island ecosystems, critical watersheds, and Indigenous Peoples’ and the community’s human rights for what is conveniently touted as the ‘greater good,” ayon kay Garganera.

Tinawag din niyang rebranding ang CM2CET at “Climate Smart Mining” upang magmukhang hindi mapaminsala ang epekto ng pagmimina, tulad ng paggamit ng terminong “responsible mining” para makakuha ng mas malawak na pagtanggap ng publiko.

Dagdag pa ni Garganera, magkakaiba ang kahulugan ng bawat bansa sa “critical minerals” kaya dapat tanungin kung sino talaga ang nakikinabang batay sa pamantayan ng ADB.

“Countries define what minerals are critical to their industries or national security. Different countries have different lists of critical minerals. A critical mineral for Germany or the US is not necessarily a critical mineral for Indonesia or the Philippines. The question therefore is: Who is actually benefiting from extracting ‘critical minerals’, as defined by ADB?” saad ni Garganera.

Batay sa tala ng United States Geological Survey (USGS) noong 2024, nakapagtala ang Pilipinas ng produksyon na humigit-kumulang 330,000 metric tons ng nickel, dahilan para manatili ito sa hanay ng mga nangungunang nickel producer sa buong mundo.

Tinatayang 27% ng global nickel reserves ay matatagpuan sa Pilipinas at Indonesia, kaya target ang dalawang bansa sa pagpapalawak ng critical mineral supply chains.

Sa Laudato Si’, binigyang-diin ng yumaong Papa Francisco ang pinsalang hatid ng pagmimina na labis na nagpapahirap sa kalikasan at mga apektadong pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 50,188 total reads

 50,188 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 129,853 total reads

 129,853 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 163,300 total reads

 163,300 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 198,598 total reads

 198,598 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 423,146 total reads

 423,146 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 156,947 total reads

 156,947 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top