Pag-alis ng GCASH ng anumang koneksyon sa online gambling, pinuri ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,386 total reads

Pinuri ng isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines- Episcopal Commission on Public Affairs ang hakbang ng isa sa pinaka-malaking online wallet o e-wallet service provider na tanggalin ang anumang koneksyon sa mga online gambling simula August 16, alas-otso ng gabi.

Ayon kay Father Jerome Secillano – Executive Secretary ng Komisyon, napapanahon ang hakbang ng ‘GCASH’ upang matulungan ang mas maraming Pilipino na matigil na ang pagkahumaling at pagkalulong sa online gambling.
“Tama lang na huwag ng bigyan ng online access sa pagtaya ang mga tao para unti-unting mabawasan ang interes nila sa online gambling, “Easily accessible” kase ang tayaan sa sugal kaya naman maraming nahuhumaling dito,” ayon sa mensaheng pinadala sa Radyo Veritas ni Father Secillano.

Ayon sa Pari, sa tulong ng hakbang ay mawawalan ng mabilisang access ang mas maraming Pilipino upang ilipat ang kanilang mga pera sa e-wallet patungo sa mga online gambling accounts.

Sinasabi sa pag-aaral ng Philippine-based research and analysis firm na ‘The Fourth Wall’ karamihan sa mga naapektuhang manggagawa ng online gambling ay ‘Blue-collar workers’ na kumikita ng minimum wage o mas mababa pa, partikular sa kanila ay ang apat na sektor ng mga manggagawa sa construction, transportation, service and retail at public service industry.

Nanawagan si Father Secillano sa mga internet service providers ng pakikiisa sa pinaigting na inisyatibo ng paglaban sa online gambling kung saan ipagpapabawal nadin ang pagpapalabas ng anumang uri ng sugal sa kanilang mga koneksyon.

“Sana pagbawalan din ng pamahalaan ang mga internet providers sa pagpapalabas ng anumang uri ng sugal sa kanilang platform,” bahagi pa ng mensahe ni Father Secillano na pinadala sa Radyo Veritas.

Sa hakbang ng e-wallet service provider na G-Cash, puputulin na ang anumang koneksyon sa mga online gambling providers kung saan hindi na maaring makapagpasa ng pera ang mga players sa kanilang e-wallets at online gambling accounts.
Pinapayuhan naman ng Gcash ang mga mamamayan na gawin na ang mga cash transfers dahil magiging epektibo ito bukas, August 16 pasado alas-otso ng gabi.
Ayon sa mga datos ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR, tumaas ng 291% ngayong 2025 ang bilang ng mga Pilipinong naglalaro sa online gambling matapos umabot ito sa 32-million active players simula Enero hanggang Mayo ngayong taon.

Habang ayon sa datos ng Recovering Gamblers of the Philippines, 80% sa kanilang mga rehab patient ay biktima ng online gambling na bukod sa pagkalugi ng pera o kita ay nagdulot sa kanila ng depresyon, pagkasira ng buhay, pamilya at relasyon sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 21,217 total reads

 21,217 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 58,706 total reads

 58,706 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 76,917 total reads

 76,917 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 161,245 total reads

 161,245 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 197,619 total reads

 197,619 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 20,096 total reads

 20,096 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »
Scroll to Top