53 Pilipinong estudyante, napabilang sa ERASMUS scholars

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,142 total views

Muling pinagtibay ng Pilipinas at European Union (EU) ang kanilang pagtutulungan para sa kapakinabangan ng mamamayan, lalo na sa larangan ng edukasyon.

Sa pamamagitan ng Erasmus+ Programme ng EU, 53 Pilipino ang magpapatuloy ng kanilang pag-aaral sa iba’t ibang unibersidad sa Europa, partikular sa mga EU member state.

Sa send-off ceremony na inorganisa ng EU Delegation to the Philippines katuwang ang Campus Erasmus (samahan ng Erasmus+ alumni mula sa Pilipinas), binigyang-pugay ni Chargé d’Affaires a.i. Frederic Grillet ang mga bagong scholars.

“Be ambassadors of goodwill and agents of change to help strengthen the partnership between the EU and the Philippines,” ani Grillet.

Hinimok din ng opisyal ang mga iskolar na gamitin ang kanilang makukuhang karanasan at kasanayan sa Europa para sa ikauunlad ng Pilipinas.

Ang Erasmus+ Programme ay nagbibigay ng makabuluhang pagkakataon para sa mga estudyanteng Pilipino na maranasan ang kultura ng Europa, matuto ng kanilang mga wika, at maging bahagi ng lipunang Europeo sa loob ng isa hanggang dalawang taon.

Simula noong 2004, tinatayang nasa 800 Filipino students na ang nakinabang at nakapagtapos ng kanilang masteral at doctorate programs sa iba’t ibang unibersidad sa Europa sa ilalim ng nasabing programa.

Kinilala rin ang Erasmus+ bilang isa sa mga nangungunang international academic mobility programmes sa buong mundo, na nagbibigay-diin sa EU bilang sentro ng kahusayan sa edukasyon at pagpapalago ng pandaigdigang kooperasyon sa larangan ng pag-aaral.

Matatandaang sa ensiklikal ni Pope Pius XI noong 1929 na pinamagatang ‘Divini Illius Magistri’ binigyang diin nitong mahalagang gampanin ng Simbahan ang pagbabantay sa kabuuang edukasyon ng kabataan na hindi lamang nakatuon sa pagtuturo ng relihiyon kundi sa lahat ng larangan ng kaalaman na may kinalaman sa pananampalataya.

Iginiit ng santo papa na ng tunay na layunin ng edukasyon ay ang ganap na paghubog ng tao—hindi lang sa talino, kundi pati sa moralidad, espiritu, at pakikisalamuha—upang maituro ang landas tungo sa Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 40,529 total views

 40,529 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 73,611 total views

 73,611 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 101,962 total views

 101,962 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 169,694 total views

 169,694 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 189,993 total views

 189,993 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top