Apostolic Vicariate of Calapan, mariing tinutulan ang ‘ilegal’ river dredging sa Oriental Mindoro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,507 total reads

Mariing tinutulan ng Apostolic Vicariate of Calapan, sa pangunguna ni Bishop Moises Cuevas, ang malakihang commercial river dredging at iba pang uri ng pagmimina sa mga ilog at dalampasigan ng Oriental Mindoro, na magdudulot ng pangmatagalang pinsala sa kalikasan at kabuhayan ng mamamayan.

Sa pastoral reflection, iginiit ni Bishop Cuevas na ang mga proyektong inuuna ang kita kaysa kapakanan ng tao at kalikasan ay nagbabadya ng mabigat at walang lunas na pinsala.

“Mariin nating tinututulan ang ‘large-scale commercial dredging, sea bed or black sand quarrying’ o anupamang uri ng pagmimina sa mga ilog, dalampasigan at baybayin. Kapag inuuna ng mga gawaing ito ang kita kaysa sa mga tao at kalikasan, ang mga panganib at posibleng resulta ay tiyak na magdudulot ng mabigat at walang lunas na pinsala sa ating lalawigan,” ayon kay Bishop Cuevas.

Gayunpaman, nilinaw ng bikaryato na hindi sila tutol sa mga lehitimong pagsasaayos ng mga ilog kung ito ay isasagawa nang may malinaw na layunin para sa pagbawas ng pagbaha, at hindi para sa kita o komersyal na interes.

Paliwanag ni Bishop Cuevas na dapat rin itong nakapaloob sa isang komprehensibo at siyentipikong flood control master plan, may detalyadong engineering design, sumusunod sa mga pamantayang pangkapaligiran, at may malinaw na mekanismo ng transparency at pananagutan sa pagpapatupad.

“Wala tayong pagtutol sa pagsasaayos ng mga ilog kung ang ‘dredging’ ay bahagi ng isang tunay na plano sa pagkontrol ng baha na nakabatay sa siyensiya, walang ‘commercial exploitation’, may tapat na pagsunod sa ‘environmental safeguards’ at may ‘transparenť na pagsubaybay ng publiko, “pursuant only to a Flood Master Plan with detailed engineering design and proper flood control methods,” dagdag ni Bishop Cuevas.

Binigyang-pansin din ng bikaryato ang mga aral mula sa ibang lalawigan tulad ng Zambales at Cagayan, kung saan ang malawakang black sand mining ay nagdulot ng pinsala sa dagat, paghina ng kabuhayan ng mga mangingisda, at pagkasira ng mga dalampasigan.

Kasabay nito, nanawagan si Bishop Cuevas ng pagkakaisa at pagbabantay mula sa mga pamayanan dahil tungkulin ng bawat mamamayan na makibahagi sa pangangalaga ng kalikasan, bantayan ang mga proyekto sa kanilang lugar, at huwag magpadala sa mga pangakong mabilisang solusyon na kalauna’y magdudulot ng mas malaking pinsala.

“Tayo ay nasa sangangdaan. Pwede nating hayaan na hati-hatiin tayo ng isyung ito, o pwede nating gamitin itong pagkakataon para palaguin ang isang kultura ng katotohanan, diyalogo at pagiging mabuting katiwala… Tulad ng paalala ni Papa Francisco sa Laudato Si: Ang taghoy ng lupa, siya ring taghoy ng dukha,” giit ng obispo.

Hinikayat din ng obispo ang lahat na manalangin para sa karunungan at pagkakaisa, pangalagaan ang kalikasan habang isinasagawa ang mga lehitimong proyekto laban sa baha, manindigan para sa kabutihang panlahat, ipagtanggol ang mahihirap, at tiyaking ang mga proyekto ay makabubuti at hindi makapipinsala sa pamayanan.

“Ang kinakaharap nating landas ay hindi madali, ngunit kung may pananampalataya, katuwiran at pagkakaisa, kaya natin. Tandaan natin—ang mundo at lahat ng naririto ay sa Panginoon; tayo’y mga katiwala lamang at katuwang sa pangangalaga sa lahat ng nilikha,” dagdag ni Bishop Cuevas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 25,170 total reads

 25,170 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 59,166 total reads

 59,166 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 95,649 total reads

 95,649 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 113,861 total reads

 113,861 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 196,857 total reads

 196,857 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 82,261 total reads

 82,261 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top