Mamamayan, hinimok na gabayan ang mga kabataan sa mulat na pakikilahok para sa makatarungang lipunan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 54,639 total reads

Hinimok ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, ang mamamayan na gabayan at samahan ang kabataan sa kanilang mulat na pakikilahok sa paghubog ng isang makatarungan at maayos na lipunan para sa susunod na henerasyon.

Ipinahayag ng kardinal ang mensahe sa banal na misa noong ikalawang araw ng CHARIS Philippines National Spiritual Directors Conference sa Pope Pius XII Catholic Center, Manila, nitong Agosto 19.

Bilang halimbawa, binanggit ng kardinal ang ilang trahedyang naranasan sa kanyang diyosesis, kung saan mga kabataan ang nasawi:
• Kian Loyd Delos Santos, 17 – napatay sa war on drugs noong Agosto 16, 2017;
• Jimboy Baltazar, 17 – nasawi sa “mistaken identity” sa operasyon ng pulisya noong Agosto 2, 2023;
• Dion Angelo dela Rosa, 20 – namatay sa leptospirosis matapos lumusong sa baha upang hanapin ang kanyang amang inaresto dahil sa illegal gambling. Inilibing noong Agosto 10, 2025.

Binigyang-diin niya na ang mga pangyayaring ito ay madalas nagaganap tuwing buwan ng Agosto—halos kasabay o malapit sa kapistahan ni San Roque, pintakasi ng diyosesis, na sa kanyang kabataan ay natutong sumunod sa Diyos matapos isuko ang marangyang pamumuhay.

“I think our young people in this country are picking up the signal and are starting to wake up, and I think we must accompany them. I foresee many conversions, many awakenings… don’t underestimate the manner in which our young people will wake up and participate in doing something to build a better future for the next generation,” pahayag ni Cardinal David.

Aminado siya na “Our generation has failed miserably in the aspiration for a more just and equitable Philippine society. But I am hopeful for our young people today who bear the same spiritual zeal and idealism that was lived out in their own times by St. Francis of Assisi and San Roque—young people who discovered God after renouncing power and wealth.”

Bagama’t mahalaga ang materyal na pangangailangan tulad ng pagkain, damit, at kalusugan, iginiit ng kardinal na higit na mahalaga ang pagbabahagi ng yaman para sa ikabubuti ng nakararami.
“I could only hope that charismatic communities learn to recreate the communities described in the Acts of the Apostles—people who share things in common, not thinking only of their own good, but the common good,” aniya.

Tema ng pagtitipon ng mga charismatic spiritual directors ang “Power for Mission”, na dinaluhan ng 113 kinatawan mula sa 60 diyosesis at iba’t ibang charismatic groups sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 43,254 total reads

 43,254 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 123,191 total reads

 123,191 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 156,638 total reads

 156,638 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 191,937 total reads

 191,937 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 416,826 total reads

 416,826 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top