CAMASA members, hinimok na makiisa sa 10th CAMASA general assembly

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,107 total reads

Inaanyayahan ng Caritas Manila Alumni Scholars Association (CAMASA) ang mga miyembro na makiisa sa 10th CAMASA General Assembly and Board of Trustees Election 2025 sa August 25 simula alas-dose ng tanghali hanggang ala-sais ng gabi.

Ayon kay CAMASA President Dra.Annabelle Sinlao, tema ng ikasampung general assembly ay “CAMASA @ 10: A Legacy of Service, A Future of Hope.”

Inihayag ni Sinlao na layon ng tema na higit mapatibay ang pagtutulungan at pagkakapatiran ng mga nagsisipagtapos na scholars ng Caritas Manila.

Iginiit ni Sinlao na sa pamamagitan ng pagkakaisa ng CAMASA ay mapapalawak ang programa at marami pang mahihirap na mag-aaral ang mabibigyan ng maliwanag na kinabukasan.

“Ang ating pagtitipon ay hindi lamang isang pormal na pagpupulong, ito rin ay pagbabalik-tanaw sa ating pinagdaanang paglalakbay bilang alumni, at isang hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan para sa ating asosasyon at sa mga kasalukuyang YSLEP scholars ng Caritas Manila, sa ating pagkakaisa, mas marami pa tayong magagawa upang mapalakas ang ating mga programa, mapalawak ang ating tulong sa komunidad, at higit sa lahat, mapanatili ang diwa ng pagmamahal, paglilingkod, at pagbabalik-loob na siyang pundasyon ng ating pagiging iskolar ng Caritas Manila,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Dra.Sinlao sa Radyo Veritas.

Sa pagtitipon ay maghahalal ng mga bagong opisyal at kawani ng CAMASA na mangangasiwa sa samahan ng mga dating scholars na natulungan ng social arm na makatapos sa pag-aaral at makaahon sa kahirapan.

Ayon pa kay Dra.Sinlao, sa tulong ng General Assembly, inaasahang higit na mapaigting ang pagbabalik loob ng mga scholars at alumni sa simbahan at social arm ng Archdiocese of Manila.

Gayundin ang pagbabalik tulong ng mga nakapagtapos sa kasalukuyang mga scholar ng Caritas Manila.

“Hinihikayat ko kayong magparehistro sa pamamagitan ng CAMASA Facebook Page at makiisa sa isang makabuluhan at makasaysayang araw ng pagkakaisa. Sama-sama tayong magbigay ng tinig, maghalal ng mga bagong lider, at magpatuloy ng ating “legacy of service” para sa mga susunod pang henerasyon ng iskolar, Maraming salamat po sa inyong tiwala, suporta, at walang sawang pakikiisa”. paanyaya ni Dra.Sinlao

Idadaos ang General Assembly sa pamamagitan ng hybrid setup kung saan sa Caritas Manila Multipurpose Hall idadaos ang face-to-face na pagtitipon ng mga dadalo habang sa Zoom Conference naman para sa mga online participants.

Maari namang pumunta sa official facebook page ng CAMASA upang makita at makapagpatala sa registration o maaring makipag-ugnayan sa mga coordinators.

Sa datos ng CAMASA, umaabot ngayong sa 15-libo ang aktibong CAMASA Members na kaisa ng Caritas Manila sa ‘Enrollment to Employment’ scheme dahil sa tulong ng mga Alumni Scholars ay napapalawig ang pagtutulungan upang kagyat na makapaghanap ng trabaho ang mga fresh graduates ng Youth Servant Leadersip and Education Program.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 17,827 total reads

 17,827 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 55,604 total reads

 55,604 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 73,815 total reads

 73,815 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 158,143 total reads

 158,143 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 194,666 total reads

 194,666 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 19,793 total reads

 19,793 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »
Scroll to Top