Santo Papa, humiling ng pakikiisa sa “Day of fasting and prayer for peace”.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,071 total views

Nanawagan ang Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV sa lahat ng mananampalataya na makiisa sa isang ‘Araw na Pag-aayuno at Panalangin para sa Kapayapaan’ o ‘Day of Fasting and Prayer for Peace’ sa darating na ika-22 ng Agosto 2025.

Ito ay pagsumamo sa Diyos ng katarungan, kapayapaan, at kaginhawaan para sa mga nagdurusa dahil sa patuloy na armadong sagupaan sa iba’t ibang panig ng mundo.

Hinihikayat ng Santo Papa ang mga Katoliko na ialay ang araw ng pananalangin at pag-aayuno bilang paghingi ng awa ng Panginoon, gayundin ang pagpahid sa mga luha ng mga nagdurusa at pagbibigay-liwanag sa mga bansang pinahihirapan ng digmaan.

“I invite all the faithful to take part in a day of fasting and prayer on August 22, imploring the Lord to grant us peace and justice, and to wipe away the tears of those who suffer because of ongoing armed conflicts. May Mary, Queen of Peace, intercede so that peoples may find the path of peace.” Bahagi ng panawagan ni Pope Leo XIV.

Itinuturing ng Simbahang Katolika ang pag-aayuno at pananalangin na makapangyarihang gawaing espirituwal na hindi lamang humuhubog sa personal na kabanalan ng bawat isa, kundi nagsisilbing panlipunang panawagan para sa pagkakaisa, kapatawaran, at tunay na kapayapaan.

Sa katuruan ng Simbahan, ang kapayapaan ay bunga ng katarungan, pagkakapatiran at pagmamahal.

Muling pinaalalahanan ni Pope Leo XIV ang mga mananampalataya na makiisa hindi lamang sa pananalangin kundi sa pagiging saksi ng pag-ibig ng Diyos sa gitna ng kaguluhan at pagdurusa ng nararanasan ng sanlibutan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 8,402 total views

 8,402 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 78,514 total views

 78,514 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 153,128 total views

 153,128 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 233,207 total views

 233,207 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 276,251 total views

 276,251 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 1,003 total views

 1,003 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top