CAMASA members, hinimok na makiisa sa 10th CAMASA general assembly

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,022 total views

Inaanyayahan ng Caritas Manila Alumni Scholars Association (CAMASA) ang mga miyembro na makiisa sa 10th CAMASA General Assembly and Board of Trustees Election 2025 sa August 25 simula alas-dose ng tanghali hanggang ala-sais ng gabi.

Ayon kay CAMASA President Dra.Annabelle Sinlao, tema ng ikasampung general assembly ay “CAMASA @ 10: A Legacy of Service, A Future of Hope.”

Inihayag ni Sinlao na layon ng tema na higit mapatibay ang pagtutulungan at pagkakapatiran ng mga nagsisipagtapos na scholars ng Caritas Manila.

Iginiit ni Sinlao na sa pamamagitan ng pagkakaisa ng CAMASA ay mapapalawak ang programa at marami pang mahihirap na mag-aaral ang mabibigyan ng maliwanag na kinabukasan.

“Ang ating pagtitipon ay hindi lamang isang pormal na pagpupulong, ito rin ay pagbabalik-tanaw sa ating pinagdaanang paglalakbay bilang alumni, at isang hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan para sa ating asosasyon at sa mga kasalukuyang YSLEP scholars ng Caritas Manila, sa ating pagkakaisa, mas marami pa tayong magagawa upang mapalakas ang ating mga programa, mapalawak ang ating tulong sa komunidad, at higit sa lahat, mapanatili ang diwa ng pagmamahal, paglilingkod, at pagbabalik-loob na siyang pundasyon ng ating pagiging iskolar ng Caritas Manila,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Dra.Sinlao sa Radyo Veritas.

Sa pagtitipon ay maghahalal ng mga bagong opisyal at kawani ng CAMASA na mangangasiwa sa samahan ng mga dating scholars na natulungan ng social arm na makatapos sa pag-aaral at makaahon sa kahirapan.

Ayon pa kay Dra.Sinlao, sa tulong ng General Assembly, inaasahang higit na mapaigting ang pagbabalik loob ng mga scholars at alumni sa simbahan at social arm ng Archdiocese of Manila.

Gayundin ang pagbabalik tulong ng mga nakapagtapos sa kasalukuyang mga scholar ng Caritas Manila.

“Hinihikayat ko kayong magparehistro sa pamamagitan ng CAMASA Facebook Page at makiisa sa isang makabuluhan at makasaysayang araw ng pagkakaisa. Sama-sama tayong magbigay ng tinig, maghalal ng mga bagong lider, at magpatuloy ng ating “legacy of service” para sa mga susunod pang henerasyon ng iskolar, Maraming salamat po sa inyong tiwala, suporta, at walang sawang pakikiisa”. paanyaya ni Dra.Sinlao

Idadaos ang General Assembly sa pamamagitan ng hybrid setup kung saan sa Caritas Manila Multipurpose Hall idadaos ang face-to-face na pagtitipon ng mga dadalo habang sa Zoom Conference naman para sa mga online participants.

Maari namang pumunta sa official facebook page ng CAMASA upang makita at makapagpatala sa registration o maaring makipag-ugnayan sa mga coordinators.

Sa datos ng CAMASA, umaabot ngayong sa 15-libo ang aktibong CAMASA Members na kaisa ng Caritas Manila sa ‘Enrollment to Employment’ scheme dahil sa tulong ng mga Alumni Scholars ay napapalawig ang pagtutulungan upang kagyat na makapaghanap ng trabaho ang mga fresh graduates ng Youth Servant Leadersip and Education Program.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 19,243 total views

 19,243 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 69,927 total views

 69,927 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 76,056 total views

 76,056 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 105,524 total views

 105,524 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 123,314 total views

 123,314 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Magnifica Humanitas, pinuri ng EOF

 6,385 total views

 6,385 total views Pinuri ni Economy of Francesco Foundation Scientific Coordinator – Luigino Bruni ang kauna-unahang encyclical ni Pope Leo XIV na pinamagatang Magnifica Humanitas, na

Read More »
Scroll to Top