Panalangin, sandata sa kinakaharap na suliranin ng mundo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 57,172 total reads

Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na maituturing na sandata ang panalangin mula sa patuloy na mga suliraning kinahaharap ng daigdig.

Ayon kay Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Stewardship, sa kabila ng malawakang suliranin sa patuloy na nagaganap na mga digmaan at kaguluhan sa iba’t ibang panig ng mundo ay naangkop lamang na gamitin ng bawat isa ang pananalangin at pag-aayuno bilang sandata upang hilingin ang paggabay at pamamatnubay ng Panginoon.

Ito ang bahagi ng mensahe ng Obispo kaugnay sa panawagan ni Pope Leo XIV na pag-aalay ng bawat isa ng Araw ng Pag-aayuno at Pananalangin para sa Kapayapaan kasabay ng paggunita sa Feast of the Queenship of Mary-Queen of Peace.

Paliwanag ni Bishop Pabillo, mahalaga ang pakikiisa ng lahat sa panawagan ng Santo Papa upang sama-samang hilingin ang pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria sa pagsusumamo sa Panginoon para sa kapayapaan at kaayusan ng daigdig.

“Alam po natin malaki ang problema sa mundo ng digmaan, ng kaguluhan at may tanging sandata tayo na sana gamitin natin, yan po yung ating panalangin at samahan natin ng pag-aayuno ang ating panalangin, kaya sana po makiisa tayo sa panawagan ni Papa Leon para po sa kapayapaan kasama ang ating Mahal na Ina na siyang Queen of Peace at bigyan tayo ng kapayapaan sa ating mundo, magdasal po tayo at mag-ayuno.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

Sa bahagi ng Simbahan, itinuturing ang pag-aayuno at pananalangin bilang makapangyarihang gawaing espirituwal na hindi lamang humuhubog sa personal na kabanalan ng bawat isa, kundi nagsisilbi ring panlipunang panawagan para sa pagkakaisa, kapatawaran, at tunay na kapayapaan.

Una ng binigyang diin ni Pope Leo XIV na ang kapayapaan ay bunga ng katarungan, pagkakapatiran at pagmamahal, kaya naman patuloy ang panawagan ng Santo Papa sa bawat mananampalataya na makiisa hindi lamang sa pananalangin kundi sa pagiging saksi ng pag-ibig ng Diyos sa gitna ng kaguluhan at pagdurusa ng nararanasan ng sanlibutan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 77,070 total reads

 77,070 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 111,811 total reads

 111,811 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 147,111 total reads

 147,111 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 373,380 total reads

 373,380 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 262,604 total reads

 262,604 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top