Huwag matakot manindigan sa katotohanan, hamon ng obispo sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,747 total reads

Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga Pilipino na huwag matakot na manindigan para sa katotohanan at kabutihan ng bayan.
Ito ang bahagi ng mensahe ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP- Episcopal Office on Stewardship kaugnay sa paggunita ng National Heroes Day o Araw ng mga Bayani sa bansa.

Ayon sa Obispo, ang paggunita sa Araw ng mga Bayani ay hindi lamang isang pagkakataon upang alalahanin at bigyang pugay ang mga bayani na nag-alay ng buhay para sa kalayaan ng bansa, kundi isa ring paalala sa tungkulin ng bawat isa na magpakabayani sa pamamagitan ng sariling paraan at kakayahan para sa kabutihan ng sambayanan o ng common good.

“Inaalala po nating muli ang Araw ng mga Bayani dito po sa ating bansa kaya po dahil po dito ay sana tayo rin ay hinihikayat na manindigan para sa katotohanan, manindigan para sa bayan. Sa pag-alala po ng Araw ng mga Bayani ay ang panawagan din sa atin na huwag tayong matakot na manindigan, magpakabayani para po sa ating bayan.” Pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.
Pagbabahagi ni Bishop Pabillo napapanahon rin ang paggunita ng Araw ng mga Bayani upang ipapanawagan ang higit na pagtutulungan at paninindigan ng bawat Pilipino sa gitna ng mga hamong kinahaharapan ng lipunan.

Paliwanag ng Obispo ang pagiging tunay na bayani ay hindi lamang nasusukat sa pag-aalay ng buhay sa gitna ng digmaan kundi sa araw-araw na pagsusumikap na maisabuhay ang pananampalataya at pagmamahal sa bayan at kapwa sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti at tama.

Tema ng National Heroes Day ngayong taon ang “Isang Diwa, Isang Lahi, Isang Bayanihan” o (One Spirit, One Race, One Bayanihan) na layuning isulong ang pagkakaisa ng lahat para sa kabutihan ng bayan.

Alinsunod sa Batas Republika Blg. 9492, s. 2007, itinakda ang huling Lunes ng Agosto bilang pambansang pista opisyal upang ipagdiwang ang Araw ng mga Bayani para kilalanin at alalahanin ang sakripisyo at kabayanihan ng mga Pilipino mula sa iba’t ibang panahon ng kasaysayan ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 39,720 total reads

 39,720 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 119,779 total reads

 119,779 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 153,227 total reads

 153,227 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 188,525 total reads

 188,525 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 413,550 total reads

 413,550 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top