Huwag maging ganid sa kapangyarihan, apela ng Arsobispo sa government leaders

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 42,343 total reads

Umapela si Cebu Archbishop-designate Alberto Uy sa lahat ng lider ng lipunan na iwasan ang pagkaganid sa kapangyarihan at manatiling tapat sa paglilingkod.

Ito ang kanyang mensahe sa paggunita ng National Heroes Day, isang natatanging araw upang alalahanin ang mga bayani na nag-alay ng buhay para sa kalayaan at kapayapaan ng bansa.
Ayon kay Archbishop-designate Uy, ang kanilang sakripisyo ay pagsasabuhay sa halimbawa ni Hesus na nag-alay ng sarili para sa katubusan ng sanlibutan.

“Heroism is not only about dying for our country; it is about living each day with love, sacrifice, and integrity… National Heroes Day is also a call for our leaders—whether in government, the Church, business, or community service—to resist the temptations of greed and power,” ani ng arsobispo.

Binigyang-diin ng arsobispo ang mga hamon ng kasalukuyan kung saan patuloy na pinahihina ng katiwalian, korapsyon, at kawalang-katapatan ang mga institusyon ng bansa—mga sugat na higit na nagpapahirap sa mahihirap.

Giit niya, “These are not just political or social problems—they are moral and spiritual wounds.”

Dagdag pa ni Archbishop-designate Uy, ang mga suliraning ito ay hamon hindi lamang sa mga lider kundi sa lahat ng mamamayan: “May this National Heroes Day inspire us to reclaim the spirit of courage and sacrifice. Let us pray for our leaders, that they may have the strength to reject corruption and instead choose the path of integrity, service, and justice. Let us also renew our own commitment to be everyday heroes—living with faith, hope, and love, so that our beloved Philippines may continue to rise toward a future of truth, unity, and peace.”

Ipinaalala rin ng arsobispo na ang pagiging bayani ay hindi lamang para sa mga pinuno ng lipunan kundi para sa bawat isa.

Aniya, bayani ang mga magulang na nagsusumikap para sa pamilya, ang kabataan na tumatanggi sa pandaraya at kawalang-katapatan, at ang mga komunidad na nagmamalasakit sa mahihirap, nangangalaga sa kalikasan, at nagsasabuhay ng habag at malasakit.

Ipinagdiriwang ang National Heroes Day tuwing huling Lunes ng Agosto alinsunod sa Republic Act No. 9492. Tema ngayong taon ang “Isang Diwa, Isang Lahi, Isang Bayanihan” (One Spirit, One Race, One Bayanihan) na naglalayong isulong ang pagkakaisa para sa kabutihan ng bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 75,661 total reads

 75,661 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 110,517 total reads

 110,517 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 145,817 total reads

 145,817 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 372,086 total reads

 372,086 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 261,374 total reads

 261,374 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top