2,986 total views
Nagsimula na ang pag-iikot ng imagen ng Our Lady, Star of the Sea (Stella Maris) sa ibat-ibang maritime institution sa Cebu sa pangagnasiwa ng Stella Maris Philippines.
Kahapon, August 26 ay unang bumisita ito sa himpilan ng Cebu Port Authority Pier 6 kung saan nagdaos ng misa para sa pagdating ng imahen sa Stella Maris Chaplain Fr.John Mission.
Sa pagninilay ng Pari, naging paalala niya sa mga mandaragat ang patuloy na pananalangin kay Maria upang hilingin ang paggabay at biyayang hatid ng Panginoong sa kabila ng mga suliranin sa paglalayag o bagyo.
“Just as sailors fix their eyes on the North Star to navigate turbulent waters, Mary, Our Star of the Sea, guides us steadfastly toward Christ amid life’s storms. Her presence here renews our hope and reminds us that no voyage is made alone,” ayon sa pagninilay ni Fr.Mission.
Ngayong araw, bibisita naman ang imahen sa pribadong sektor ng 2GO Shipping Office sa Pier 4 ng Cebu na susundan ng pagbisita sa ibat-ibang pang mga pantalan bilang pakikiisa ng simbahan at pangangalaga sa pangangailangang espiritwal ng mga bahagi ng mahalagang industriyang kabilang ang mga mandaragat.
“The Stella Maris devotion, recognized globally as a beacon of solace for seafarers, emphasizes Mary’s role as a protector and spiritual compass. This annual pilgrimage underscores the Church’s outreach to maritime communities, blending faith with the timeless challenges of life at sea,” ayon pa sa mensahe ng Stella Maris Philippines.
Una ng tiniyak ni Stella Maris Philippines CBCP-Bishop Promoter Antipolo Bishop Ruperto Santos ang pag-aalay ng misa at pangangalaga sa pangangailangan espiritwal ng mga mandaragat at pamilyang naiiwan habang naglalayag.
Photo Via Stella Maris Philippines Official Facebook Page.