Mga manggagawa, kinilala ng Obispo na bagong bayani

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,493 total reads

Kinilala ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza – National Chairman ng Church People Workers Solidarity ang mga manggagawa bilang mga bagong bayani sa paggunita ng national heroes day.

Ayon sa Obispo, katangi-tangi ang pagpupursige ng mga manggagawang nagtatrabaho upang may maipangtustos sa kanilang mga pang araw-araw na pangangailangan .

“Ngayong araw, inaalala at pinararangalan natin hindi lamang ang mga bayani ng ating kasaysayan, kundi pati ang mga makabagong bayani sa ating panahon — lalo na ang mga manggagawa, Kayo na patuloy na nagpapakapagod, nagpapakahirap, at nakikibaka para sa karapatan, katarungang panlipunan, at mas maayos na kinabukasan para sa inyong pamilya at para sa bayan — kayo ay buhay na patunay na ang diwa ng kabayanihan ay patuloy na sumisibol, “ ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Alminaza sa Radyo Veritas.

Sa bisa ng pagtutulungan ayon kay Bishop Alminaza ay tiyak na matutugunan higit na ang mga suliranin na katulad ng mababang suweldo ng mga manggagawa at iba pang suliranin na kanilang kinakaharap.

Mensahe pa ng Obispo sa mga bagong bayani na manggagawang Pilipino ang pananatiling matatag at maging mas handa sa pagsusulong ng katarungang panlipunan.

“Sa gitna ng hamon at hirap, nananatili kayong matatag at buo ang loob. Ang inyong pagpupunyagi ay hindi lamang para sa sariling kapakanan, kundi para sa ikabubuti ng nakararami. Kayo ay inspirasyon sa aming lahat at tunay na huwaran ng pagmamahal sa Diyos at sa kapwa, Nawa’y ipagpatuloy natin ang pagtutulungan, pananampalataya, at paninindigan para sa isang lipunang makatarungan at mapayapa — sapagkat ang bawat hakbang tungo sa kabutihan ay hakbang ng isang bayani, Mabuhay kayo, mga manggagawang bayani ng ating bayan!,” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Alminaza sa Radyo Veritas.

Noong 2024, muling napabilang ang Pilipinas sa talaan ng Global Rights Index na ‘Top 10 Most Dangerous Countries in the World for Labor Leaders and Members’ matapos umabot sa 70 ang bilang ng mga napapatay na labor leaders at miyembro simula noong 2016.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 81,358 total reads

 81,358 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 115,796 total reads

 115,796 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 151,096 total reads

 151,096 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 377,365 total reads

 377,365 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 266,406 total reads

 266,406 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top