Diocese of Assisi, nakahanda na sa canonization ni Blessed Carlo Acutis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,592 total views

Nasasabik at nakahanda na ang Diocese of Assisi sa Italy katuwang ang Vatican sa nalalapit na Canonization ni Blessed Carlo Acutis sa September 07.

Magmumula sa Diyosesis at sa Umbria ang 800-pilgrims na mula sa ibat-ibang bahagi ng mundo na pangunaging makikiisa sa Canonization ni Blessed Acutis.

Isang banal na misa naman ang idadaos sa Diocese of Assisi sa September 07 sa Santa Maria Maggiore – Sanctuary of the Renunciation pasado alas-nueve ng umaga, Central European Time na susundan ng live broadcast sa Diyosesis ng mga magaganap sa Vatican.

“While approximately 800 pilgrims will arrive from Umbria on the special train activated by the diocese, several events are planned in Assisi that Sunday to follow and experience this moment of grace celebrating the new saint, Specifically, at 9:00 a.m., a first Mass will be celebrated for the pilgrims in attendance in the Church of Santa Maria Maggiore-Santuario della Spogliazione. Afterward, a large screen will be set up inside the church to follow the ceremony live from Rome. Two additional screens will be located in the Hall of the Renunciation and the Bishops’ Hall, both within the Sanctuary complex, to ensure that as many people as possible can comfortably follow the Holy Father’s celebration. In the afternoon, at 4:00 pm, another Mass will be celebrated in the Church of Santa Maria Maggiore,” ayon sa mensaheng ipinadala ng Diocese of Assisi sa Radyo Veritas.

Matapos ang Canonization, magkakaroon ng isang buwan na mga thanksgiving mass para kay Blessed Carlo Acutis simula sa September 08, alas-dose ng tanghali sa Roma na pangungunahan ni Prefect of the Dicastery for the Causes of Saints Cardinal Marcello Semeraro kasunod ng thanksgiving mass sa kaparehong araw sa Church of Santa Maria Maggiore sa Diocese of Assisi pasado ala-sais naman ng gabi na pangunguhan naman ni Assisi Bishop Domenico Sorrentino.

Susundan pa ito ng mga thanksgiving mass sa Diocese of Assisi simula September 14 ala-sais ng gabi sa Cathedral of San Rufinoi, September 28 naman sa Basilica of San Francesco sa pangunguna ni Prefect of the Dicastery for the Clergy Cardinal Lazarus You Heung-sik hanggang sa Kapistahan ni Blessed Carlo Acutis sa October 12 sa pangunguna naman ni Vatican Secretary of State Cardinal Pietro Parolin.

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 20,144 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 20,246 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 88,207 total views

 88,207 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 157,601 total views

 157,601 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 188,885 total views

 188,885 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 220,898 total views

 220,898 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 368,595 total views

 368,595 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top