Mga deboto, inaanyayahang makiisa sa WALK WITH INÂ, RUN FOR CREATION

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,766 total reads

Inaanyayahan ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon ang bawat mananampalataya lalo na ang mga deboto ng Mahal na Ina ng Peñafrancia sa Bicol region na makibahagi sa nakatakdang WALK WITH INÂ, RUN FOR CREATION A Fun Walk and Run event sa Naga City.

Ayon sa Arsobispo ang naturang gawain ay bahagi ng paggunita sa nalalapit na Season of Creation na ginugunita sa buong buwan ng Setyembre hanggang ikaapat ng Oktubre na Kapistahan ni San Francisco ng Assisi.

Nakatakda ang WALK WITH INÂ, RUN FOR CREATION A Fun Walk and Run event sa ika-31 ng Agosto, 2025 ganap na alas-kwatro ng madaling araw na magsisimula at magtatapos sa Our Lady of Peñafrancia Minor Basilica Complex, Naga City.

“Friends, everyone join WALK WITH INÂ, RUN FOR CREATION a fun walk and run, on August 31, 2025 at 4 o’clock in the morning, it will start and end at Our Lady of Peñafrancia Minor Basilica Complex, Naga City. The event is part of our observance of The Season of Creation which will be from September 1 to October 4, Feast Day of Saint Francis of Assisi.” Bahagi ng paanyaya ni Archbishop Alarcon.

Pagbabahagi ni Archbishop Alarcon, ang nakatakdang gawain na pinangangasiwaan ng Caritas Caceres -na siyang social action arm of the Archdiocese of Caceres ay maituturing din na paghahanda para sa nalalapit na Kapistahan ng Mahal na Ina ng Peñafrancia na patron ng Bicol region.

Paliwanag ng Arsobispo, naangkop din ang gawain upang ganap na maipamalas ang debosyon sa Mahal na Ina ng Peñafrancia kasabay ng pagsusulong at pagpapahalaga sa Inang Kalikasan.

“This event is headed by the Caritas Caceres, the social action arm of the Archdiocese of Caceres. As we practice and show our devotion to Our Lady of Peñafrancia, let us be advocates in caring for creation. Let us show our love for our Mother Mary; let us show our concern for our Mother Earth. Please register and Walk with Inâ, Run for Creation.” Dagdag pa ni Archbishop Alarcon.

Para sa mga nais na makibahagi sa nakatakdang WALK WITH INÂ, RUN FOR CREATION A Fun Walk and Run event maaring makipag-ugnayan sa Caritas-Caceres Naga sa mga numero bilang 0927-180-8835 (Globe) at 0909-555-8784 (Smart).

Tema ng Season of Creation o Panahon ng Paglikha ngayong taon ang “Peace with Creation” o “Kapayapaan kasama ang Sangnilikha” na paanyaya para sa lahat upang pagnilayan ang tungkulin ng bawat isa sa pangangalaga sa mga nilikha ng Diyos.

Sa Pilipinas pinalawig ang pagdiriwang ng Season of Creation hanggang sa ikalawang Linggo ng Oktubre bilang paggunita sa Indigenous People’s Sunday na malaki ang ambag sa pangangalaga sa sangnilikha.

Samantala nakatakda naman ang 315th Feast of the Solemnity of Our Lady of Peñafrancia sa ika-21 ng Setyembre, 2025 na may tema ngayong taon na “Our Lady of Peñafrancia: Mother to All” na layuning higit na mapalawak ang debosyon sa liwanag at mapagkalingang yakap ng Mahal na Ina ng Peñafrancia.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 35,401 total reads

 35,401 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 261,894 total reads

 261,894 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 155,361 total reads

 155,361 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 249,392 total reads

 249,392 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 291,953 total reads

 291,953 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top