Pahalagahan ang mga manggagawa, hamon ng CWS sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,404 total reads

Pahalagahan ang mga manggagawa, hamon ng CWS sa pamahalaan

Hinamon ng Church People Workers Solidarity (CWS) ang pamahalaan at mga mambabatas na tunay na pahalagahan ang mga manggagawang Pilipino.

Ayon kay CWS National Capital Region Chairman Father Noel Gatchalian, sa pamamagitan ito ng pagsusulong ng mga batas at polisiyang tunay na papataasin ang antas at kalidad ng pamumuhay ng mga manggagawa.

Inihayag ng Pari na ang mga manggagawa na kadalasang kumikita ng minimum wage ay ang mga maituturing na bagong bayani ng ekonomiya.

“Ang mga Manggagawa ang makakalutas sa problema natin, mga social problems natin sapagkat sila ang talagang kumakayod at talagang nagpapakahirap para mabigyan ng dangal ang kanilang pamilya, mapag-aral ang kanilang mga anak, mapakain ang kanilang pamilya, ngunit alam naman natin mahirap ang maging bayani sa bansang Pilipinas na napakababa ng minimum wage,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Father Gatchalian.

Kinilala din ng Pari ang mga Healthcare Workers at Overseas Filipino Workers na naging bayani higit na noong naranasan ng buong mundo ang COVID-19 Pandemic.

Ito ay dahil sila ang nangalaga sa mga nagkakasakit at nagpatuloy na mag-ahon sa ekonomiya ng Pilipinas matapos malugi ito ng bilyon-bilyong halaga dahil sa pandemya.

Ayon sa Pari, kinakailangan na maisama sila sa mga manggagawang nangangailangan ng pinaigting na proteksyon sa mga polisiya at batas ng pamahalaan upang matiyak na kumikita ng sapat at nananatiling ligtas ang kanilang kapakanan o kalusugan habang nasa linya ng trabaho.

“Ang mga OFW bilang mga bayani ng bayan sapagkat sila ang kumikita at nagbibigay sa atin ng dangal bilang mga Pilipino sa kabila ng kanilang kahirapan sa ibang bansa at noon din ay naging bayani sa mga panahon ng COVID-19 Pandemic ang mga tinatawag natin na nurses, caregivers, doctors na siyang tumulong sa mga may sakit, ngayon alam naman natin na ang araw-araw na buhay ng mga bayani ay yung talagang sumusustento at nagbibigay ng pagkain sa kanilang pamilya,” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Gatchalian.

Sa pagpapatuloy ng pag-iral ng 695-pesos na minimum wage sa National Capital Region sa kabila ng mga panawagan ng ibat-ibang grupo na makamit ang 1,200-pesos na National Minimum Wage ay lumago ng punto isang porsyento ang ekonomiya ng Pilipinas ayon sa mga pag-aaral ng Department of Planning, Economy and Development o DEPDEV.

Habang noong pandemya, nanatiling aktibo sa trabaho ang mga healthcare workers upang tugunan ang krisis habang natulungan ng OFW Remittance Rate na hindi tuluyang malugmok ang ekonomiya ng Pilipinas.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 1,615 total reads

 1,615 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 1,745 total reads

 1,745 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 4,193 total reads

 4,193 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 60,598 total reads

 60,598 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 184,104 total reads

 184,104 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 269,389 total reads

 269,389 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 49,457 total reads

 49,457 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »
Scroll to Top