Rep. Gonzales, pinaiimbestigahan ang pagmimina sa Homonhon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,780 total reads

Nanawagan si House Assistant Minority Leader at Eastern Samar Rep. Christopher Sheen Gonzales ng imbestigasyon hinggil sa malawakang pagmimina ng nikel at kromo sa Homonhon Island na nagdudulot ng matinding pinsala sa kalikasan at sa pamumuhay ng mga tao sa isla.

Sa pamamagitan ng House Resolution No. 234, nanawagan si Gonzales sa mga komite ng Kamara na magsagawa ng imbestigasyon para tiyakin ang wastong pamamahala sa likas-yaman, pangangalaga sa karapatan ng mga residente, at pagpapanatili ng kasaysayan at kalikasan ng Homonhon.

Babala ng mambabatas na ang walang habas na pagmimina ay nagdudulot ng pagkakalbo ng kagubatan, pagkasira ng lupa, polusyon sa tubig, at pagkawala ng mga hayop at ibon tulad ng Philippine cockatoo.

Apektado rin ayon sa mambabatas ang kalusugan at kabuhayan ng mga mamamayan na umaasa sa pangingisda at pagsasaka.

Nilalayon ng imbestigasyon na suriin ang lawak ng pinsala, epekto sa kalusugan at kabuhayan, pagsunod sa batas, at kung paano napapakinabangan ng mga komunidad ang kita mula sa pagmimina.
Ayon kay Gonzales, dapat ding pakinggan ang boses ng mga residente, environmental groups, at simbahan upang matiyak na ang pagmimina ay makabubuti at hindi nakasisira.

“The voices of Homonhon residents, environmental advocates, and church leaders must be heard. Congress has a duty to ensure that mining operations are lawful, sustainable, and beneficial to the people—not destructive,” diin pa ni Gonzales.

Marso ng kasalukuyang taon, nang muling nanawagan si Bishop Crispin Varquez ng Diocese of Borongan sa pambansang pamahalaan na wakasan na ang pagmimina sa makasaysayang isla ng Homonhon sa Guiuan, Eastern Samar.

Ang Homonhon ay may lawak na 105 kilometro kuwadrado at tahanan ng humigit-kumulang 15,000 katao mula sa walong barangay. Kilala rin ito bilang unang lugar na dumaong si Ferdinand Magellan noong 1521.

Ang panawagan ni Gonzales ay kasabay ng pagpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Republic Act No. 12253 o Enhanced Fiscal Regime for Large-Scale Metallic Mining Act na magpapataw ng mas malinaw at patas na buwis sa malalaking pagmimina. Tinatayang makadadagdag ito ng ₱6.26 bilyon sa kita ng pamahalaan bawat taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 36,439 total reads

 36,439 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 72,224 total reads

 72,224 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 126,058 total reads

 126,058 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 187,819 total reads

 187,819 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 255,559 total reads

 255,559 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 44,739 total reads

 44,739 total reads Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey. Bibisitahin ng

Read More »
Scroll to Top