Sistematikong katiwalian sa pamahalaan, kinundena ng SJSA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,797 total reads

Mariing kinondena ng Commission on the Social Apostolate of the Philippine Jesuits (Society of Jesus Social Apostolate – SJSA) ang sistematiko at malawakang katiwalian na patuloy na nagpapahirap sa sambayanang Pilipino.

Labis na ikinababahala ng grupo ang patuloy na pagkamkam sa budget ng pamahalaan na nauuwi lamang sa bulsa ng mga nasa kapangyarihan, habang pinapasan at unti-unti nitong kinikitil ang buhay ng mga mahihirap.

Binigyang-diin ng SJSA ang ulat ng World Bank, Asian Development Bank, at International Monetary Fund noong 2024 na tinatayang ₱2 trilyon kada taon ang nawawala sa pamahalaan dahil sa katiwalian, gayundin ang datos ni Senador Panfilo Lacson na halos ₱1 trilyon sa pondong inilaan sa flood control projects ay napunta lamang sa bulsa ng mga tiwaling opisyal at kumpanya.

“Ito ang dahilan ng mga sub-standard o “ghost projects” na imprastruktura, na nagbunga ng higit na pagdurusa ng bayan lalo na ng mahihirap tuwing may ulan at pagbaha,” pahayag ng SJSA.
Nanawagan ang mga Heswita ng masusing imbestigasyon sa pamamagitan ng isang independent commission, dahil anila, hindi maaaring imbestigahan ng Kongreso ang sarili nito, at walang dapat na nakahihigit sa batas—pati na ang mga mambabatas.

Iginiit ng grupo na hindi lamang dapat limitado sa flood control projects ang imbestigasyon, kundi dapat ding masaklaw ang mga kagawarang matagal nang inuugnay sa katiwalian, tulad ng Bureau of Customs at Department of Education, gayundin ang paggamit ng confidential funds na naging “executive pork” sa mga nakalipas na taon.

Kabilang din sa kanilang panawagan ang pagpapatupad ng anti-political dynasty provision ng 1987 Constitution, pagsusuri sa party-list system, pagpasa ng Freedom of Information Act at Whistleblowers Act, at sapilitang publikasyon ng Statement of Assests, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng lahat ng opisyal.

“Tulad ng mungkahi ng maraming sektor, ang mga deliberasyon ng bicameral committee ng Kongreso—na responsable sa mga lihim na budget insertions na nagbigay-daan sa katiwaliang kinasangkutan ng [Department of Public Works and Highways]—ay dapat gawing bukas at malinaw sa publiko, at dapat ding bigyan ng puwang ang civil society sa komiteng ito,” dagdag ng SJSA.

Tiniyak naman ng SJSA na patuloy na tututukan ang usapin ng katiwalian at hinikayat ang mamamayan na manindigan para kinabukasan ng bayan at mga kabataan.
“Malalim at malawak na ang katiwalian sa ating lipunan… Maaaring mahaba ang landas na tatahakin, ngunit ang pagpapaliban sa paglalakbay na ito tungo sa paglilinis ay lalo lamang mag-uugat sa kasamaan at magdadala ng mas mabigat na pasanin sa ating sambayanan,” saad ng SJSA.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 123,693 total reads

 123,693 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 157,022 total reads

 157,022 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 189,166 total reads

 189,166 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 255,229 total reads

 255,229 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 266,502 total reads

 266,502 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 122,708 total reads

 122,708 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top