Bagong transmitter ng Radyo Veritas, pagsasabuhay sa utos ni Hesus na ipalaganap ang mabuting balita

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,476 total reads

Umaasa si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na higit pang mapapalawig ang misyon ng Radyo Veritas sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ito ang naging mensahe ng Kardinal sa ginanap na pagpapasinaya at pagbabasbas ng bagong transmitter site ng himpilan sa Longos, Meycauayan, Bulacan noong Setyembre 8, kasabay ng pagdiriwang ng kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria.

Bilang chairman ng himpilan, binigyang-diin ni Cardinal Advincula na ang bagong pasilidad ay mahalagang katuwang ng simbahan sa misyon ng ebanghelisasyon.

“Dahil mayroon na tayong ganitong facility, mas lalo nating magagampanan ang ating misyon, ang ating tungkulin na lalong maipalaganap ang Mabuting Balita ng Panginoon hindi lamang sa mga karatig pook ng Archdiocese of Manila kundi sa mas malayong bahagi ng ating bansa at sa buong mundo,” ani Cardinal Advincula sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, inihalintulad ng Kardinal ang okasyon sa ginanap na canonization ni St. Carlo Acutis, na kinikilalang “first millennial saint” at patron ng internet.

“We gather a day after the canonization of a saint who inspires us to minister through the modern means of social communications,” dagdag ng Kardinal.

Aniya, ang pagbubukas ng pasilidad ay isang konkretong pagsasabuhay sa utos ni Hesus na “humayo at ipalaganap ang Mabuting Balita sa buong mundo.”

Samantala, iginiit din ni Radyo Veritas President and Chief Executive Officer Fr. Roy Bellen na ang bagong pasilidad ay hamon at inspirasyon upang ipagpatuloy ng himpilan ang kanilang misyon.
“This new transmitter site is our bold statement and testament to continue the mission of Radyo Veritas in bringing the Gospel to every corner of the world, especially the local church in the Philippines. We commit to maximizing media use in the call of new evangelization,” ayon kay Fr. Bellen.

Dumalo rin sa nasabing pagdiriwang sina Malolos Bishop Dennis Villarojo, RCAM Vicar General Msgr. Reginald Malicdem, at mga pari mula sa RCAM Engineering Department na sina Frs. Jomar Burgos at Jeff Jamias. Kasama rin ang mga kinatawan ng Broadcast World Philippines, mga opisyal ng St. Francis of Assisi Parish ng Meycauayan, at ilang kinatawan ng lokal na pamahalaan ng Bulacan, Meycauayan, at Barangay Longos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 123,705 total reads

 123,705 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 157,034 total reads

 157,034 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 189,178 total reads

 189,178 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 255,241 total reads

 255,241 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 266,514 total reads

 266,514 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top