Ugnayan ng 2 senador sa sinibak na district engineer ng DPWH

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,915 total reads

Ipinakita ni Brice Ericson Hernandez, dating assistant district engineer sa Bulacan, ang mga larawan bilang ebidensya na magpapatunay ng ugnayan ng dalawang senador at ng dating DPWH district engineer na si Henry Alcantara, na tinanggal sa puwesto, kaugnay ng kickback sa flood control projects sa Bulacan.

Sinabi ni Hernandez, na nasa kustodiya ng Senado matapos ma-cite in contempt, na sina Senators Jinggoy Estrada at Joel Villanueva ay sinasabing nakinabang sa P955 milyon mula sa mga proyekto sa pamamagitan ng 30 porsyentong “SOP” o standard operating procedure.

Ipinakita rin ni Hernandez ang litrato ni Estrada kasama si Alcantara sa kaarawan ni Estrada sa Solaire Resort Hotel bilang patunay ng kanilang malapit na ugnayan.

“To be honest, Your Honor, I do not know when this picture was taken but I’m just trying to show that Mr. Alcantara, Engineer Henry Alcantara and Sen. Jinggoy Estrada have met a couple of times already,”ayon kay Hernandez. “They appear super close, Your Honor.”

Ipinakita rin ni Hernandez ang mga larawan ng bungkos ng pera na inihanda para ipamahagi.

“Your Honor, hindi ko alam kung sino. Basta kami inutusan nilang ayusin ang mga pera. Itong amount na ito para sa ganito, ‘ihanda mo dyan, may pagbibigyan niyan.’ Ganoon lang, sine-segregate namin ang mga pera.”

“As far as my knowledge is concerned, ibibigay po ‘yan sa tao. ‘Yung tinatawag na proponent na kausap niya.”

Nilinaw niya na ang mga larawan ng pera ay kuha sa isang pribadong tirahan na ginawang pahingahan, at hindi sa opisina.

Ipinakita rin niya ang mga screenshot ng Viber conversation na nag-uugnay kay Villanueva sa mga proyekto. Kinumpirma ni Engineer JP Mendoza ang mga larawan.

“Yes, Your Honor, this is Sen. Joel Villanueva.”

Pinaliwanag ni Mendoza kung bakit kinuhanan ng larawan ang chat:
“Dahil disappearing message po ‘yan, hindi po niya pwedeng screenshot, pina-picture-an po niya para mabasa po.”

Idinagdag ni Mendoza na binanggit din sa mensahe ang dating DPWH Secretary Manuel Bonoan at ipinadala kay Alcantara.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 3,804 total reads

 3,804 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 54,331 total reads

 54,331 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 76,421 total reads

 76,421 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 176,240 total reads

 176,240 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 209,367 total reads

 209,367 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top