Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 127,406 total views

Mga Kapanalig, lumabas sa isang pag-aaral ng United Nations Children’s Fund o UNICEF na maraming estudyanteng Pinoy na nasa grade 3 ay may math at literacy level na pang-kinder lamang. Ibig sabihin, ang nalalaman nila sa pagbibilang at pagkukuwenta ay napaka-basic pa lamang para sa isang mag-aaral na nasa mas mataas nang antas sa elementarya.

Sa grade 3, dapat nakapagbibilang na ang estudyante ng hanggang sampung libo. Kaya na nilang mag-add, mag-subtract, mag-multiply, at mag-divide ng mga bilang na may hanggang dalawang numero gamit lamang ang kanilang isip. Nauunawaan na dapat nila ang paggamit ng fractions at ang iba’t ibang uri nito. 

Sa grade 3, marunong na dapat silang gumamit ng English—nakapagbabasa sila at nauunawaan ang teksto at nakapagsasalita na rin nito. Sa kanilang pagsusulat, kumpleto na ang diwa at tama pati ang grammar. Hindi sila nahihirapan sa spelling ng mga salita. Kaya na nilang magsulat ng mga sanaysay o compositionsformal man o informal—kung saan malinaw ang ideyang nais nilang iparating. Ang pinakamahalaga, hindi lang sila nakakapagbasa—naiintindihan nila ang kanilang binabasa.

Hindi raw ito ang kaso sa maraming grade 3 students sa ating bansa. Pang-kinder pa lang ang kaya nila pagdating sa pagsusulat, pagbabasa, pagbibilang, at pagkukuwenta. Anong tingin ninyo sa mga anak at apo ninyong nasa grade 3 na?

Nakababagabag ito pero hindi na nakagugulat. Ilang pag-aaral na ang nailabas tungkol sa estado ng edukasyon sa Pilipinas, at marami sa mga ito ay nagsasabing kulang na kulang ang kakayahan ng ating mga mag-aaral. Ayon sa Second Congressional Commission on Education (o EDCOM 2), dalawa hanggang tatlong taóng atrasado ang mga nasa grade 3. Noong school year 2024-2025, halos isa lamang sa apat na grade 3 students sa Metro Manila (o 24%) ang marunong ng division. Ang tatlong natitira, baka hindi pa nga alam kung ano ang ibig sabihin ng division. Halos apat sa sampung grade 3 students naman (0 44%) ang marunong ng subtraction, gayong sa kinder pa lamang, dapat alam na ito ng mga bata.

Ano ang tugon ng Department of Education (o DepEd) sa problemang ito?

Ang unang tatlong taon pagkatapos ng kinder (o grade 1 hanggang grade 3) ay itutuon daw sa functional literacy. Tumutukoy ito sa mga pangunahing kakayahan gaya ng pagbabasa, pagsusulat, pagbibilang, at pagkukuwenta. Para magawa ito nang mas malalim, babawasan ng DepEd ang mga subjects kada grade: lima sa grade 1, lima sa grade 2, at anim sa grade 3. Pero malaking hamon ito dahil nasa 4.5 milyong estudyante ang nangangailangan ng tinatawag na intervention o nakatutok na paggabay. 

Ang edukasyon ay isang paraan para maisakatuparan ang nasasaad sa Mga Kawikaan 22:6: “Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran.” Kaya napakahalagang natatanggap ng kabataan, lalo na sa mga unang taon ng kanilang pag-aaral, ang edukasyong makatutulong sa kanilang paglago bilang mga indibidwal at bilang mga kabahagi ng buhay ng ating lipunan. Pangunahin dito ang literacy—o ang pagiging marunong magbasa, magsulat, at magkuwenta. Nagbibigay ito sa mga tao ng pagkakataong linangin ang kanilang sarili at makalahok sa lipunan, mga bagay na mahalaga sa pagtataguyod ng ating dignidad. Ang dignidad ng tao naman ay haligi ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan. 

Mga Kapanalig, tulungan natin ang estado sa pagtupad nito sa tungkuling magbigay ng de-kalidad na edukasyon sa kabataan. Ihanda natin ang ating mga anak at apo sa buhay na kakaharapin nila. Hikayatin natin sila na matutong magbasa, magsulat, at magkuwenta sa halip na hayaan silang gugulin ang panahon sa social media at mga libangang hindi sila tinutulungang mag-isip. Anong kinabukasan ang meron tayo kung hindi marunong magbasa at magbilang ang mga susunod na salinlahi? 

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 17,016 total views

 17,016 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 62,739 total views

 62,739 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 64,949 total views

 64,949 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 137,859 total views

 137,859 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 149,367 total views

 149,367 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Andaming sumasawsaw

 17,017 total views

 17,017 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 62,740 total views

 62,740 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 64,950 total views

 64,950 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 137,860 total views

 137,860 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »
Scroll to Top