Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 128,921 total reads

Mga Kapanalig, higit sa pagpapakain at pagbibigay ng lugar para maligo at matulog sa mga kapatid nating nabubuhay sa lansangan, ang pagbabalik sa dignidad ng tao ang pangunahing layunin ng Arnold Janssen Kalinga Center sa Lungsod ng Maynila. Ito ang dahilan kung bakit ginawaran ng kapita-pitagang Ramon Magsaysay Award ang nagtatag ng Kalinga Center na si Fr Flaviano Antonio Villanueva o mas kilala bilang Fr Flavie.

Isa si Fr Flavie sa tatlong tatanggap ng prestihiyosong parangal mula sa tinaguriang Nobel Peace Prize of Asia. Kasama niyang kinilala ang Foundation to Educate Girls Globally, isang orgnisasyong nakabase sa India na nagsusumikap para makapag-aral ang mga batang babae. Sa ganitong paraan, matatakasan nila ang kamangmangan at makakamit ang kanilang potensyal bilang tao. Ang isa pang awardee ay si Shaahina Ali mula naman sa bansang Maldives. Bibigyan siya ng parangal para sa walang pagod niyang pangangalaga sa kalikasan, lalo na sa yamang-dagat, sa bansa niyang unti-unting nanganganib sa mga epekto ng urbanisasyon at climate change. 

Balikan natin si Fr Flavie. Hindi malayo sa karanasan ni Fr Flavie ang karanasan ng mga kapatid nating isinasantabi. Sa murang edad, nalulong siya sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Ngunit natuklasan niya ang landas na inilaan sa kanya ng Panginoon. Nag-volunteer siya bilang isang lay missionary sa Bicol. Sumali siya sa Society of Divine Word noong 1998, at naging ganap na pari noong 2006. Bitbit ang kuwento ng kanyang pagbabago, itinalaga ni Fr Flavie ang kanyang sarili sa pag-aabot ng kalinga sa mga kababayan nating walang masilungan, nagugutom, nagkakasakit, at itinataboy. Sa tulong ng mga taong naniniwala sa misyong sinimulan niya, isinabuhay niya ang nasa Mateo 25:35-36. Nakita niya ang Panginoong nangungusap sa mahihirap: “Ako’y nagugutom at ako’y inyong pinakain; ako’y nauuhaw at ako’y inyong pinainom. Ako’y isang dayuhan at inyong pinatuloy.  Ako’y hubad at ako’y inyong dinamitan…” 

Maliban sa pagpapakain at pagpapatulóy sa mga kapatid nating nabubuhay sa lansangan, masidhi rin ang pagtulong ni Fr Flavie sa mga pamilya ng mga biktima ng madugong giyera kontra droga. Sa pamamagitan naman ng Program Paghilom, sinasamahan ni Fr Flavie ang mga naulilang pamilya sa kanilang laban para sa katarungan. At hindi lamang adbokasiya ang kanyang ginagawa. Bilang isang pari, pinahahalagahan ni Fr Flavie ang dignidad maging ng mga pinatay. Salamat sa suporta ng mga naniniwala rin sa dangal ng tao anuman ang kasalanang kanilang ginawa, naipatayo ang Dambana ng Paghilom, ang kauna-unahang memorial columbarium para sa mga biktima ng walang habas na patayan sa ngalan ng huwad na kapayapaan at katahimikan. Batid ni Fr Flavie na maging ang pagpapalibing ay mabigat sa bulsa ng mahihirap, kaya kahit man lang sa huling hantungan ay mabigyan sana ang kanilang namatay na asawa, kapatid, anak, o tatay ng disenteng mapaglilibingan.

Hindi madali ang krusadang ito ni Fr Flavie. Marami siyang death threats na natanggap at patuloy na natatanggap. Sinampahan pa siya (at isa pang pari) ng kasong sedition na kalaunan ay napawalambisa rin. Katulad ng ibang nais papanagutin sa batas ang nagdaang administrasyon, hindi ligtas si Fr Flavie sa mga batikos. 

Pero higit na mahalaga para kay Fr Flavie ang paniniwalang sinuman, kahit pa ang mga iniiwan at isinasantabi ng lipunan, ay may karapatang mabuhay nang may dignidad. Ito ang nagbibigay sa kanya ng pag-asa. Ito ang nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob. Ito ang nagbibigay sa kanya ng kahulugan bilang isang pari. 

Mga Kapanalig, maging inspirasyon sana para sa atin—at pati sa mga katulad naming alagad ng Simbahan—ang pagsusumikap ni Fr Flavie na dalhin at ipadama ang kalinga ng Diyos dito sa lupa. Congratulations at mabuhay ka, Fr Flavie!

Sumainyo ang katotohanan.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 26,953 total reads

 26,953 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 50,574 total reads

 50,574 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 89,710 total reads

 89,710 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 123,838 total reads

 123,838 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 180,244 total reads

 180,244 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LEADERSHIP PROBLEM

 50,575 total reads

 50,575 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 89,711 total reads

 89,711 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 123,839 total reads

 123,839 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 180,245 total reads

 180,245 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top