Pagtutol ng simbahan sa FTAA order sa Tampakan Mining, dininig na ng Koronadal RTC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,217 total reads

Nagsimula na ang unang pagdinig ng Koronadal City Regional Trial Court (RTC) noong September 3, 2025, sa certiorari case laban sa pagpapalawig ng Financial or Technical Assistance Agreement (FTAA) ng Tampakan copper-gold project sa South Cotabato, halos 11 buwan matapos matanggap ang kaso.

Dumalo rito ang mga petitioner mula sa Diocese of Marbel, kasama ang iba’t ibang grupong katutubo at mga magsasakang benepisyaryo ng irigasyon, bilang pagpapakita ng matibay na pagtutol sa kontrobersyal na pagmimina.

Ayon kay Marbel Bishop Cerilo ‘Alan’ Casicas, na siyang lead petitioner sa kaso, layunin ng kanilang pagdalo sa pagdinig na ipakita ang kanilang paninindigan para sa karapatan ng kalikasan at ng mga katutubong pamayanan.

“We want to reiterate that the agriculture, biodiversity, and ecological integrity in over 121,000 hectares of watershed areas is at stake, and the lives of almost 900,000 residents who benefit from,” pahayag ni Bishop Casicas.

Iginiit ng mga petitioner na nagkaroon ng labis na pang-aabuso sa kapangyarihan at tahasang pagpapabaya sa tungkulin sa pag-apruba ng FTAA extension na ginawa lamang sa antas ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) at hindi ng Pangulo ng Pilipinas, na siyang tanging may kapangyarihan alinsunod sa konstitusyon.

Dagdag pa rito, binigyang-diin din ng grupo na walang naganap na anumang public consultation na nakatakda sa Local Government Code at Indigenous Peoples Rights Act (IPRA).

Sa paunang pagdinig, tinalakay ng korte ang ilang nakabinbing petisyon ng Sagittarius Mines Inc. (SMI), kabilang ang para sa inhibition ng dating presiding judge na naging dahilan ng paglilipat ng kaso sa ibang sangay ng korte at nagdulot ng karagdagang pagkaantala.

Kasama rin sa pagdinig ang pagsusuri sa supplemental petition ng mga petitioner na isinama ang pinakahuling 18-taong FTAA extension order na iginawad sa minahan.

Sinabi ni Legal Rights and Natural Resources Center (LRC) Direct Legal Services Coordinator Atty. Rolly Peoro, alam ng publiko na 12-taong pagpapalawig lamang ang iginawad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) mula sa expiration ng kontrata noong 2020.

Ngunit nang ihain ang kaso, lumabas na hanggang 2038 o kabuuang 18 taon ang itinagal ng kontrata.

“This extension was issued still at just the level of DENR and not the Office of the President, and still with no public consultations. This extension order was never released publicly despite repeated communications with DENR,” ayon kay Peoro.

Itinakda naman ang susunod na status hearing sa Nobyembre upang ipagpatuloy ang pagtalakay sa mga petisyon bago tuluyang makapagsimula ang susunod na yugto ng paglilitis.

“As the hearings proceed apace, we call on the Filipino public to be vigilant and see the case through towards a speedy and favorable resolution,” dagdag ni Atty. Peoro.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 7,473 total reads

 7,473 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 63,937 total reads

 63,937 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 100,726 total reads

 100,726 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 132,739 total reads

 132,739 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 183,139 total reads

 183,139 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 244,751 total reads

 244,751 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 52,945 total reads

 52,945 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top