CEAP, makikibahagi sa TRILLION Peso march

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 60,971 total reads

Makikibahagi ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) sa malawakang pagkilos upang ipakita ang paninindigan laban sa katiwaliang patuloy na nagaganap sa pamahalaan.

Tinaguruian ang pagkilos na ‘A Trillion Peso March’ na nakatakda sa ika-21 ng Setyembre, 2025 ganap na alas-dos ng hapon sa EDSA People Power Monument kung inaanyayahan ang lahat na magsuot na putting damit upang ipakita ng paghahangad ng katotohanan at pananagutan ng mga Pilipino kaugnay sa trilyong pisong halaga ng kaban na bayan na nauwi sa katiwalian.

Bilang pambansang samahan ng mga Katolikong paaralan sa bansa ay nananawagan rin ang CEAP sa mga guro at mga tagapagturo na higit pang paigtingin ang paggaby sa mga kabataan upang magkaroon ng pagpapahalaga sa integridad upang magabayan ang mga kabataan na maging lider sa hinaharap na mayroong malinis na budhi at dalisay na pagmamahal at pagnanais na maglingkod ng tapat sa Diyos at sa bayan.

“Sa ating mga guro at edukador, paigtingin natin ang ating mga paaralan bilang balwarte ng mga pagpapahalaga at integridad. Mangako tayo na bubuo ng mga etikal, mapagnilay, at mapaghinuhang mga lider ng ating bansa, na may malinis na budhi, na hinubog at maalam, nagsasabuhay ng pagmamahal at paglilingkod sa Diyos at bayan.” Bahagi ng pahayag ng CEAP.

Mariin ding nanawagan ang CEAP sa mga kabataan na bumangon bilang isang henerasyon na may integridad, masigasig, at walang takot na gumamit ng makabagong paraan upang ipapanawagan ang pananagutan at katarungan mula sa pagnanakaw ng mga tiwaliang indibidwal at mga opisyal ng pamahalaan sa kaban ng bayan.

Kabilang panawagan ng CEAP sa mga kabataan ang pagbabantay sa mga proyekto ng pamahalaan, paglalantad ng mga anomalya sa social media, at pakikiisa sa mga gawaing makabubuti sa kapakanan ng komunidad.

“Sa kabataan, hinahamon naming kayong bilang isang henerasyong may integridad; masigasig, malikhain, at walang takot na gumamit ng dihital at iba pang kasanayan upang humiling ng pananagutan at katarungan.” Dagdag pa ng CEAP.

Dismayado rin ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) sa mga ulat ng Transparency International at World Bank na kabilang ang Pilipinas sa pinakakorap o tiwaling bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Batay sa datos ng World Bank, Asian Development Bank, at International Monetary Fund noong 2024, tinatayang ₱2 trilyon kada taon ang nawawala sa pamahalaan dahil sa katiwalian patuloy na nagaganap sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 96,452 total reads

 96,452 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 173,501 total reads

 173,501 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 206,949 total reads

 206,949 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 242,249 total reads

 242,249 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 465,051 total reads

 465,051 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top