Sa likod ng bilyun-bilyong pisong yaman

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 74,727 total views

Mga Kapanalig, nagkakalaglagan na ang mga sangkot sa mga maanomalyang flood control projects

Kamakailan lang, pinangalanan ng mag-asawang contractors na sina Pacifico “Curlee” Discaya at Cezarah “Sarah” Discaya ang ilang pulitiko at opisyal ng Department of Public Works and Highways (o DPWH) na humihingi umano ng kickback sa mga flood control projects.

Sa isang pagdinig sa Senado, nag-alok ang mga Discaya na maging state witnesses upang ilantad ang katiwalian ng ilang mambabatas at opisyal ng mga ahensya ng gobyerno. Nakasaad sa kanilang sinumpaang salaysay ang listahan ng mga pangalan na umano’y humihingi ng kickback na katumbas ng hanggang 25% ng kabuuang halaga ng proyekto. Agad na pinabulaanan ng ilang pulitikong binanggit ng mag-asawa ang paratang na sila ay sangkot sa katiwalian. 

Iginiit pa ng mag-asawang Discaya na kumikita lamang sila ng dalawa hanggang tatlong porsyento lamang mula sa mga kontratang nakukuha nila. Kung maswerte daw, umaabot ng limang porsyento ito. Pagtataka naman ni Pasig City Mayor Vico Sotto, kalaban sa pulitika ng mga Discaya: paano sila naging bilyonaryo kung ganoon lang kaliit ang kita nila?

Ipininta pa ng mga Discaya ang kanilang sarili na para bang ginamit lamang sila ng mga nasa poder. Ayon kay Curlee Discaya sa kanyang testimonya: “We couldn’t do anything because if we do not cooperate, they will cause problems with the projects that [were] awarded to us…” 

Ngunit dapat ba itong mag-alis ng kanilang pananagutan? Siyempre hindi. Habang malinaw na may ugnayan sila sa mga umabuso sa kanilang kapangyarihan, ang desisyon ng mag-asawa sa katiwalian at magkamal ng bilyun-bilyong yaman ay isang maliwanag na pagpili na gawin ang mali. Hindi maliit na bagay ang yaman na naipon ng mga contractors na ito. Ibinunyag ng Philippine Center for Investigative Journalism (o PCIJ) na nakakuha ang mga Discaya ng mahigit 31 bilyon pisong halaga ng flood control project contracts mula 2022 hanggang 2025. May kabuuang 345 solo at joint flood control projects ang kanilang mga kumpanya sa loob lamang ng tatlong taon. Para silang tumama ng jackpot!

Hindi masamang magkaroon ng pera. Ngunit kung ang paghahangad ng yaman ay nagdudulot ng kamatayan at pagdurusa ng kapwa, mali na ito. Sabi nga sa 1 Timoteo 6:10: “Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil sa paghahangad na yumaman, may mga taong nalalayo sa pananampalataya at nasasadlak sa maraming kapighatian.” Napapaligiran tayo ng mga sakim, at kinakanlong sila ng mga taong dapat na inuuna ang interes ng taumbayan. 

Ayon sa Catholic social teaching na Laudato Si’, “Often, politics itself is responsible for the disrepute in which it is held, on account of corruption and the failure to enact sound public policies.” Kaya naman, mahalagang isaayos ang ating pulitika. Sapat dapat ang mga mekanismo nito para papanagutin ang mga nagsasamantala. Matatag dapat ang mga institusyong poprotekta sa taumbayan. Sa usaping ito, makatulong sana ang binuo ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na isang independent commission na magsisiyasat sa lahat ng alegasyon ng katiwalian sa mga proyektong imprastraktura ng pamahalaan sa nakalipas na sampung taon. Ang isyu ng flood control projects ng mga Discaya ay isang parte lamang ng mas malaking problema. 

Mga Kapanalig, hindi ito ang unang beses na naging laman ng balita ang katiwalian. Sa kasamaang-palad, malamang hindi rin ito ang huli. Tuluy-tuloy ito hanggang may mga lingkod-bayan na inuuna ang kasakiman, pansariling interes, at kapangyarihan kaysa sa kapakanan ng bayan. Kaya’t tungkulin nating patuloy na magtanong at alamin ang katotohanan kung paano ginagastos ang bilyun-bilyong pisong pinag-ambagan ng taumbayan. Karapatan nating mga Pilipino ang isang malinis at tapat na pamamahala na titiyak naman ng isang maayos na kinabukasan. 

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 24,813 total views

 24,813 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 74,827 total views

 74,827 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 70,696 total views

 70,696 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 106,453 total views

 106,453 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 113,664 total views

 113,664 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Papalayô sa tunay na demokrasya

 24,814 total views

 24,814 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 74,828 total views

 74,828 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 70,697 total views

 70,697 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 106,454 total views

 106,454 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »
Scroll to Top