Sama-samang paninindigan laban sa katiwalian, layunin ng rally sa EDSA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,462 total views

Nilinaw ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) ang layunin at adhikain ng nakatakdang malawakang pagkilos laban sa katiwalian sa September 21, 2025 sa EDSA People Power Monument.

Ayon kay Rev. Fr. Albert Delvo – Pangulo ng Manila Ecclesiastical Province School Systems Association (MaPSA) at isa sa mga convenor ng CLCNT layunin ng malawakang pagkilos na ipakita ang sama-samang paninindigan ng lahat laban sa talamak na katiwalian na nagaganap sa lipunan.

Giit ng Pari, walang halong pulitika ang nakatakdang pagkilos na hindi naglalayong pabagsakin ang kasalukuyang administrasyon at hindi rin nananawagan sa pagpapauwi sa bansa ni dating Pangulong Duterte.

Paliwanag ni Fr. Delvo, tanging pagpapanagot sa lahat ng mga magkakasabwat sa pagnanakaw sa kaban ng bayan ang layuning ipapanawagan ng nakatakdang National Day of Action Against Corruption na tinaguriang ‘Trillion Peso March.’

“Ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) ay inorganisa at isinusulong nito ang laban sa korapsyon, so hindi nasa loob ng agenda namin na pauwiin ang dating Pangulong Duterte, hindi din kasama sa loob [ng agenda namin] na panagutin si Pangulong Marcos o patalsikin si Pangulong Marcos hindi po, at saka hindi din po ito inorganisa para pabagsakin ang current administration absolutely no.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Delvo sa Radyo Veritas.

Una ng inihayag ng CLCNT na layunin ng nakatakdang gawain ang ipapanawagan ang pananagutan sa talamak na katiwalian sa pamahalaan, partikular na ang bilyon-bilyong pisong pondo na nasayang dahil sa unfinished, ghost at substandard flood-control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH), kung saan kabilang sa mga isinasangkot ang ilang opisyal ng gobyerno mga kongresista, senador at mga contractors.

Hinihikayat ang mga nais na dumalo sa pagkilos na magsuot ng puting damit upang ipakita ang pagkakaisa ng lahat para sa katarungan, katotohanan at kapakanan ng bayan(

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 20,913 total views

 20,913 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 49,264 total views

 49,264 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 116,994 total views

 116,994 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 140,145 total views

 140,145 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 208,799 total views

 208,799 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top