AMI 2025 conference, pangangasiwaan ng Military Ordinariate of the Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,510 total reads

Pangangasiwaan ng Military Ordinariate of the Philippines (MOP) ang nakatakdang Apostolat Militaire International (AMI) 2025 Conference na nataon rin sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng organisasyon.

Ayon kay MOP Spokesperson Rev. Fr. COL Harley Flores (RET), maituturing na isang biyaya at pagkakataon para sa Simbahang Katolika sa Pilipinas ang pangangasiwa ng AMI 2025 Conference upang ganap na maipakita ang malasakit ng bansa sa pagtataguyod ng pagkakaisa, kapayapaan, at espirituwal na paghubog sa hanay ng mga lingkod-bayan partikular na ang mga uniformed personnel.

Ibinahagi ng Pari na isinasagawa ang taunang pagtitipon ng Apostolat Militaire International (AMI) upang talakayin ang mahahalagang usapin na nakaaapekto sa buhay at pamilya ng mga kasapi ng militar, nang nakaugat sa pananampalataya at paglilingkod.

“The annual AMI conference gathers international delegates to reflect on pressing issues affecting military personnel and their families, always within the context of faith and service. This year’s assembly in the Philippines is a moment of pride, as it places the country at the heart of an international conversation on unity, peacebuilding, and spiritual formation in the military.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Flores sa Radyo Veritas.

Katuwang ng MOP sa pangangasiwa sa pandaigdigang pagtitipon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang uniformed services sa bansa tulad ng Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at Bureau of Fire Protection (BFP).

Nakatakda ang Apostolat Militaire International (AMI) 2025 Conference sa September 21 – 26, 2025 sa Microtel by Wyndham, UP Technohub, Commonwealth Avenue, Diliman, Quezon City.

Itinatag ang Apostolat Militaire International (AMI) noong 1965 na isang Catholic organization na nagsisilbing pandaigdigang samahan ng Simbahang Katolika para sa mga military personnel, chaplains, obispo, at lay collaborators.

Layunin ng organisasyon na isulong ang kapayapaan, katarungan, at pananampalataya sa mga komunidad ng militar sa buong mundo sa pamamagitan ng dayalogo, pagkakaisa, at pastoral na paglilingkod.

“Founded in 1965, the Apostolat Militaire International (AMI) is a Catholic organization that serves as a global forum for military personnel, chaplains, bishops, and lay collaborators. Its mission is to promote peace, justice, and faith within military communities worldwide by providing opportunities for dialogue, fellowship, and pastoral support.” Dagdag pa ni Fr. Flores.

Nanawagan naman ang Military Ordinariate of the Philippines ng suporta mula sa media upang higit pang maipaabot sa mamamayang Pilipino ang kahalagahan ng Apostolat Militaire International (AMI) 2025 Conference na nakatakdang magsulong ng pananampalataya, pagkakaisa, at paglilingkod sa bayan at sangkatauhan.

“The Military Ordinariate extends its warm invitation to other media to cover this significant event. Media presence will play a vital role in informing the Filipino public about this global gathering that highlights the values of peace, solidarity, and the integration of faith in service to country and humanity.” Ayon pa kay Fr. Flores.

Tema ng Apostolat Militaire International (AMI) 2025 Conference ang “AMI @60 in the 2025 Jubilee Year: Strengthening Christian Values within the Armed Forces Worldwide through Biblical leadership, building bridges and increased resilience.” na naglalayong maibahagi sa lahat ng mga opisyal ng military diocese sa iba’t ibang bansa ang mga kaalaman at naaangkop na kasanayan sa paggabay sa mga kawani ng pwersa ng pamahalaan lalo na sa gitna ng iba’t ibang sitwasyong pang-seguridad na kinakailangang tugunan sa lipunan.

Ayon sa MOP, ito na ikatlong pagkakataon na isasagawa ang AMI Conference sa Pilipinas ang una ay noong 1997, noong 2011 at ngayong taong 2025.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 29,557 total reads

 29,557 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 66,445 total reads

 66,445 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 84,656 total reads

 84,656 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 168,984 total reads

 168,984 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 205,010 total reads

 205,010 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 37,986 total reads

 37,986 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top