Ministry with Person in Street Dwelling, itinatag ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,334 total reads

Itinatag ng Archdiocese of Manila ang Ministry with Persons in Street Dwelling Situations bilang tugon sa panawagan ng simbahan na maging “simbahan ng mga dukha.”

Ayon kay Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, ang bagong ministeryo ay magsisilbing katuwang ng mga mahihirap at hindi lamang bilang benepisyaryo ng simbahan.

“The Church is called to unite herself in the lived struggles of persons in street-dwelling situations—the silently suffering Lazarus of our time, cast aside into the margins of cities that feast,” pahayag ni Cardinal Advincula.

Itinalaga ng kardinal si Fr. Francisco Nicolás Magnaye Jr., CM, isang Vincentian missionary, bilang unang tagapangasiwa ng ministeryo.

Tiwala ang cardinal sa kakayahan ni Fr. Magnaye dahil sa karisma ng kanilang kongregasyon sa pagkalinga sa mga mahihirap at mga nasa lansangan, ayon sa halimbawa ni San Vicente de Paul.

Binigyang-diin ni Cardinal Advincula na nakaugat ito sa Catholic Social Teaching, na nagsusulong ng karapatan at dignidad ng bawat tao, lalo na ang mga kabilang sa pinakamahihina at madalas na biktima ng kawalang-katarungan.

“There is a need to create and establish a multi-sectoral support system that helps persons in street-dwelling situations transition away from street life to empowered, self-sufficient communities fully integrated into the Church and society,” dagdag ng kardinal.

Batay sa datos ng DePaul International, isa sa mga organisasyon ng Vincentian Family, tinatayang mayroong 4.5 milyong homeless sa Pilipinas, kung saan halos two-thirds ay nasa Metro Manila.

Tiniyak ng arsobispo na patuloy na kikilalanin at pagtutuunan ng pansin ng simbahan ang mga nasa lansangan at iba pang mahihinang sektor ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 43,831 total reads

 43,831 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 66,032 total reads

 66,032 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 102,528 total reads

 102,528 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 323,155 total reads

 323,155 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 355,272 total reads

 355,272 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top