St.William Parish sa Passi, Iloilo city, pansamantalang isasara para sa Act of Reparation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,654 total reads

Nanawagan ng panalangin at pagkakaisa ang St. William Parish matapos ang insidente ng pagpatiwakal ng isang binatilyo sa loob ng simbahan noong umaga ng September 24.

Sa opisyal na pahayag, sinabi ni Fr. Moises Tacardon, kura paroko ng parokya na ang pangyayari ay paalala sa lahat ng kahalagahan ng malasakit at pakikinig, lalo na sa mga taong may dinadalang suliranin.

“Isa ini ka daku nga pagpanawagan para sa aton tanan nga talupangdon naton ang balatyagon sang tagsa-tagsa, ilabi na gid ang indi pirmi makapa-utwas sang ila mga balatyagon,” ayon sa pahayag ng Parokya. [Isa itong malaking panawagan para sa ating lahat na pahalagahan ang damdamin ng bawat isa, lalo yaong mga hindi palaging nakapaglalahad ng kanilang nararamdaman.]

Hinimok ng parokya ang publiko na umiwas sa panghuhusga at sa halip ay ipanalangin ang kaluluwa ng biktima.

“Kon nga-a natabo ini sa simbahan, luyag kita magpati nga may sense of God sa iya bisan pa sa kabug-aton sang iya ginadala.”[Kung nangyari ito sa loob ng simbahan, nais nating paniwalaan na nanatili pa rin ang kanyang sense of God sa kabila ng bigat ng kanyang dinadala.]

Nagpaabot ng pakikiramay ang parokya sa pamilya ng biktima at tiniyak ang mga panalangin para sa kanilang paghilom.

Umaasa ang pamayanan na magsilbing aral ang insidente upang higit na mapansin ang mga taong may pinagdaraanan.

“Kabay pa nga magbukas ini sang aton panan-awan sa pagbatyag kag pagtalupangod sa mga kauturan naton nga may kabudlayan sa ila personal nga kabuhi,” dagdag ng pahayag.[Nawa’y magbukas ito ng ating isipan at damdamin upang higit na mapansin at maunawaan ang ating mga kapatid na may pinagdaraanan sa kanilang personal na buhay.]

Pansamantalang isasara ang simbahan para sa Act of Reparation at paghahanda sa Reconsecration.

Magsasagawa ng misa sa Jubilee Hall habang sarado ang simbahan; at kanselado rin ang mga misa sa mga kapilya.

September 25 (4:00 PM) – Holy Hour at Confession, susundan ng misa (5:15 PM).
September 26 – Day of Penance, Fasting, and Abstinence: Holy Hour at Confession (4:00 PM), misa (5:15 PM), Via Crucis (6:00 PM).
September 27 (5:00 AM) – Dawn Rosary Procession at misa (5:30 AM).

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 44,211 total reads

 44,211 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 156,121 total reads

 156,121 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 241,491 total reads

 241,491 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 288,229 total reads

 288,229 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 336,097 total reads

 336,097 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 432,213 total reads

 432,213 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top