Pagtutulungan, apela ni Bishop Pabillo sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,774 total views

Umaapela si Taytay Palawan Bishop Broderick ng pagkakaisa ng mga Pilipino upang tugunan ang pangangailangan ng mga masasalanta ng bagyong Opong at kinakailangan paghilom ng kalikasan laban sa climate change.

Ipinagdarasal ng Obispo na lalung mangibabaw ang diwa ng kawanggawa sa mga Pilipino sa sunod-sunod na kalamidad na tumama sa bansa at tulungan ang kapwang nangangailangan.

Inihayag ni Bishop Pabillo na sa pamamagitan ng pagtutulungan ay mabilis na makabangon ang mga apektado ng kalamidad.

Hinimok ng Obispo na itigil na ang pagsisihan sa halip ay isabuhay ang diwa ng pagkakapatiran at pagtutulungan.

“Pero sa anumang panahon, sa halip na magsisihan, mas kinakailangan nating magtulungan sana mas maging maluwag ang puso natin na tumulong sa mga kapatid na nangangailangan, sa ating lugar, sa ating baranggay na pag tayo ay binabaha at gayundin sa ibang mga lugar, kung hindi man tayo binabaha sana maging handa tayong magbigay ng tulong sa mga nasasalanta ng bagyong ito, so that together we can wither the weather,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Nanawagan naman ang Obispo sa mamamayan na magkaisa at sama-samang tugunan ang epekto ng climate change na nagdudulot ng malawakan at mabilis na pagbaha sa mga lugar na hindi naman binabaha.

Hinikayat ni Bishop Pabillo ang lahat na isabuhay din ang mga adbokasiya ng “seasons of creations” sa higit na pangangalaga sa kalikasan.

“Ngayon po ang nararamdaman natin ito sa sunod-sunod na bagyo na noon ay hindi naman nangyayari at ganundin ang masyadong malakas na ulan na kahit nakikita na po natin sa pagdaan ng bagyo na dumadating din sa atin ang mga ulan, kaya wag natin i-deny na may Climate Change at habang nandiyan ay dapat natin pagsikapan na hindi sana tayo madala ng pagpapabaya ating kalikasan, nasa panahon pa tayo ng Season of Creation kaya nakikita natin na dahilan ng pagbaha ay yung mga waste natin, yung palaging itinatapos na waste natin,” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 50,512 total views

 50,512 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 83,594 total views

 83,594 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 111,945 total views

 111,945 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 179,677 total views

 179,677 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 199,296 total views

 199,296 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top