Rep. Zaldy Co, binigyan ng Kamara ng hanggang Sept.29 na umuwi ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,757 total reads

Binigyan ni Speaker Faustino Dy III ng palugit si Ako Bicol Rep. Zaldy Co hanggang Setyembre 29, 2025 upang umuwi sa bansa at harapin ang mga paratang laban sa kanya.

Ayon kay Dy, kung hindi susunod si Co ay ituturing itong pagtanggi sa mga legal na proseso ng Kamara at maaaring humantong sa diciplinary at legal action. “Shall be construed as a refusal to subject yourself to the lawful processes of the House and will result in the initiation of appropriate disciplinary and legal actions,” ayon sa liham ni Speaker Dy.

Ginawa ni Dy ang ultimatum sa kanyang liham bilang tugon sa sagot ni Co kaugnay ng pagbawi ng kanyang travel clearance. Ipinaliwanag ng Speaker na ipinasa na sa House Committee on Ethics ang komunikasyon ni Co, kung saan nakabinbin na ang reklamo laban sa kanya. Tiniyak din ng Speaker na kung magbabalik sa bansa si Co, makikipag-ugnayan ang Kamara sa mga kinauukulang ahensya upang masiguro ang kanyang kaligtasan at ng kanyang pamilya.

Giit ni Dy, ang kanselasyon ng travel clearance ay isang mahalagang pagkakataon para harapin ni Co ang mga paratang sa tamang forum at ipaliwanag ang kanyang depensa. Dagdag pa ng pinuno ng Kamara, “The only proper way to address these matters is not through correspondence from abroad, but by returning, appearing at the proper forum, and answering the charges directly.”  

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 8,421 total reads

 8,421 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 15,258 total reads

 15,258 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 131,036 total reads

 131,036 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 251,615 total reads

 251,615 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 301,132 total reads

 301,132 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 67,346 total reads

 67,346 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »
Scroll to Top