Pagtutulungan, apela ni Bishop Pabillo sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,894 total reads

Umaapela si Taytay Palawan Bishop Broderick ng pagkakaisa ng mga Pilipino upang tugunan ang pangangailangan ng mga masasalanta ng bagyong Opong at kinakailangan paghilom ng kalikasan laban sa climate change.

Ipinagdarasal ng Obispo na lalung mangibabaw ang diwa ng kawanggawa sa mga Pilipino sa sunod-sunod na kalamidad na tumama sa bansa at tulungan ang kapwang nangangailangan.

Inihayag ni Bishop Pabillo na sa pamamagitan ng pagtutulungan ay mabilis na makabangon ang mga apektado ng kalamidad.

Hinimok ng Obispo na itigil na ang pagsisihan sa halip ay isabuhay ang diwa ng pagkakapatiran at pagtutulungan.

“Pero sa anumang panahon, sa halip na magsisihan, mas kinakailangan nating magtulungan sana mas maging maluwag ang puso natin na tumulong sa mga kapatid na nangangailangan, sa ating lugar, sa ating baranggay na pag tayo ay binabaha at gayundin sa ibang mga lugar, kung hindi man tayo binabaha sana maging handa tayong magbigay ng tulong sa mga nasasalanta ng bagyong ito, so that together we can wither the weather,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Nanawagan naman ang Obispo sa mamamayan na magkaisa at sama-samang tugunan ang epekto ng climate change na nagdudulot ng malawakan at mabilis na pagbaha sa mga lugar na hindi naman binabaha.

Hinikayat ni Bishop Pabillo ang lahat na isabuhay din ang mga adbokasiya ng “seasons of creations” sa higit na pangangalaga sa kalikasan.

“Ngayon po ang nararamdaman natin ito sa sunod-sunod na bagyo na noon ay hindi naman nangyayari at ganundin ang masyadong malakas na ulan na kahit nakikita na po natin sa pagdaan ng bagyo na dumadating din sa atin ang mga ulan, kaya wag natin i-deny na may Climate Change at habang nandiyan ay dapat natin pagsikapan na hindi sana tayo madala ng pagpapabaya ating kalikasan, nasa panahon pa tayo ng Season of Creation kaya nakikita natin na dahilan ng pagbaha ay yung mga waste natin, yung palaging itinatapos na waste natin,” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 43,258 total reads

 43,258 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 153,906 total reads

 153,906 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 239,276 total reads

 239,276 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 286,014 total reads

 286,014 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 333,882 total reads

 333,882 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 430,073 total reads

 430,073 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 47,541 total reads

 47,541 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »
Scroll to Top